Naniniwala po ba kayo sa mga loved ones na yumao na nagpapakita sa mga bata? I have 2 kids po. A 1 yo and a 3mos old. Yung room namin bagong gawa tapos nasa 3rd flr. Mid october, iyak sila ng iyak pag hating gabi tapos yung 1yo ko, sabi niya mumu daw habang umiiyak. Kinukumutan ko sila ng red na damit pangontra daw sa ganon. Yung 1yo di na masyado umiiyak. Pero 3mos ko, iyak siya ng iyak na para siyang kinakawawa. Wala naman siyang kabag, bagong palit na diaper, wala rin naman kahit anong kumagat chineck ko buong katawan, wala naman nakapasok sa tenga pero grabe yung iyak niya. Tapos yung itsura hikbing hikbi siya. May titignan siya sa corner tapos iiyak ng malakas. Dko na alam gagawin ko. Naaawa na ako kasi napupuyat palagi yung 3mos ko. Ni ayaw niya magpalapag sa crib or sa tabi ko, sa dibdib ko lang siya natutulog. Anyone here na naka experience ng ganito?