Wala na po si baby 😭😭
nanganak po ako noong JULY 8, 2020 via normal delivery.. first baby ko po sya.. baby boy ZION GREY, sobrang sakit po 9months ko po sya dinala sa sinapupunan ko kung kailan inilabas ko sya don sya nawala sakin.. nilabas ko po sya hindi na po sya umiyak, nilabas ko po sya nirevive nalang po sya may heartbeat pa po sya pero unti unti pong nawala.. 😭


Ang gwapo ni baby..♥️♥️♥️ Masakit mawalan mommy sobra...ramdam ko yan..dahil dalawang beses akong nakunan..at may hearbeat na din..kaya alam kong masakit talaga.. lalo na at nagkaroon narin kayo ng bonding kahit nasa sinapupunan mopa lang siya..kaya yung sakit hind masukat..pero alam ko mommy..makakaya mo yan..malalampasan morin lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon..tulad ko kahit papaano nakakaya yung pain dito sa puso ko...at yung masakit pa dun..till now wala parin kaming baby kahit gustong gusto na namin😢😢😢pero alam ko may plano ang Diyos ..kung bakit nararanasan natin ang mga bagay na ito...magtiwala lang tayo sakanya. ..at isipin nalang natin mommy na may mas magandang plano ang Diyos para sa atin..kaya kaya mo yan...yung baby mo ngayon masaya na siya kapiling ang Diyos..at gumagabay sayo..kaya laban lang sa buhay..kaya natin to..♥️
Magbasa pa

