help milk mga mi

Nanganak na po ako. Kaso wala kong gatas tips naman po jan para magkaron. Thankyoy

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

after 2 days ako nagkagatas, after manganak. continue ipa-latch kay baby. sia ang makapagpapalabas ng breastmilk. uminom ng sabaw ng malunggay or magtake ng malunggay supplement. any brand will do. sakin, natalac or mega malunggay. uminom ng maraming tubig, 2-3L per day. ang ginawa ko, uminom ako ng tubig sa isang maliit na plastic cup, every hour. iharap mo si baby sau. tummy to tummy kau. i-squeeze mo ang breast mo para ipasok sa bibig ni baby, pati areola, hindi lang nipple.

Magbasa pa

Hello, Mommy! Kakapanganak ko lang po July 11 via CS :) Ipa-latch mo lang po ng ipa-latch si baby sa una po talaga parang konti lang pero day by day dadami na rin po yan :) Take po kayo Natalac forte 3x a day or kung ano po prescribed ng OB niyo. Kain po kayo madaming sabaw kung kaya everyday sabaw, go! And madaming tubig po :)

Magbasa pa

Mag pump or unli latch kay baby, mii. mahirap at masakit din mag breastfeed but if gusto niyo po talaga, kakayanin 💪 have soup po lagi and hot drinks. hot compress sa boobs din. kapag tumigas na ang boobs, nag llactate na. heads up, masakit at uncomfortable sa una talaga pero it will be okay din agad ☺

Magbasa pa

ipa latch mo lang po meron pong nakukuha si baby sainyo ganyan din po ako magtataka po kau kong bakit nakakapag popo/wewe po si baby kong Wala kaung gatas meron po yan mami. kakapanganak ko lang din po nung 20 kaya pina latch na Pina latch ko lang po si baby untill may napipisil na akong milk sa dede ko

Magbasa pa
1y ago

Inom ka mie ng malunggay capsule tapos kain ka ng mga masabaw sabaw po.

Ako po nanganak last July 24, ang ginawa ko naghotcompress ako ng dibdib tapos massage, ayun po natunaw yung nakabara na milk may naiinom na si baby now. May tumutulo na rin ng kusa sa dibdib ko. ❤️

malunggay lang po momsh ganyan din ako pag uwe ko galing manganak nag malunggay lang ako, then pinalatch ko kay baby tapos after non sobrang dami ko ng gatas.

sabaw lagi ulamin mo or ginataan yub nakapagpalakas ng gatas ko tas sabayan mo uminom ng bearbrand tas unli latch lang kahit sobrang sakit na

padede mo lang ng padede magkakaroon din yan ganyan ako nung nanganak ako di namn kasi agad magkakaroon ng gatas ipadede mo lang

try mo po M2 Malungay mii. tapos sabayan mo ng MAMALAC. as in wala pong makuha ang baby ko. ngayon unlu latch na😊

thankyou mga mi. nagkagatas nko 😊