Binat

Nanganak ako nung July 1, 9days palang pero nag-eelectric fan na ako dahil sa sobrang init. Naliligo na ako sa pawis, dati na ako pawisin at di ko kinakaya ang init. Sabi sabi bawal pa daw mag-electric fan at baka pasukin ng lamig. Pero di po ako komportable lalo na't di pa ko nakakaligo. Natatakot din naman ako na baka mabinat pero di ko tlga kinakaya ang init. Nakakaramdam ako ng pagkirot-kirot ng mga kalamnan, parang may mga pagtusok-tusok sa pempem at pwet. Pag sakit ng balakang at parang mabigat ang parteng ibaba ng katawan. Minsan nararamdaman ko din na sumasakit ulo ko nawawala din naman, pero sguro dahil sa puyat dahil nag-aadjust pa kami ng baby ko oras ng pag-tulog. Sino na po dito naka-experience na pinasok ng lamig dahil nagpapahangin sa eletric fan?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Unang buwan ni baby puyat din ako pero nakakaya nman. Mainit po talaga yan sa katawan kasi 9 days na pala kayo hindi naligo, lalo kayo magkakasakit nyan kasi di nag nonormal temperature mo (thru ligo). 3 days lang ako di pinaligo noon sa hospital, kahit naka aircon di ko talaga matiis. E-fan din kami sa bahay, yung parang industrial fan ang hangin na kahit #1 lang malakas na, di naman ako napasukan pa. Nakakabinat po yung gutom at pagod. Pwede naman po kayo mag quick bath sa maligamgam na tubig, yan pinagawa ni Doc sa'kin at least naka rest ka ng 4-5hrs. Para iwas sakit, naliligo ka nlng man din sa pawis :)

Magbasa pa