Blood

Hi, nanganak ako noong Aug. 31,2019. Normal delivery. Gumamit na ako ng panty liner dahil hindi na ko dinudugo may manilaw na lang na lumalabas hanggang sa nawala na. May nirekomendang panghugas sa akin ang doctor ko. Naubos ko na ito after 1 month kaya sinubukan ko ulit gumamit ng PH Care na ginagamit ko noon. Simula ng gamitin ko ito may konting dugo na parang minsan ay pula kapag dumami na kulay brown na sya. May minsang pagkirot din akong nararamdaman hindi sa nilabas ng bata kundi sa labasan ng ihi na sa tingin ko nilalabasan din ng dugo ko ngayon dahil sa panty ko napansin ko na ang dugo ay nakapwesto katapat ng labasan ng ihi. Yellowish naman ang ihi ko. Naranasan nyo ba un? Normal lang ba yun? Dapat ba akong matakot?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Parang same case tayo mamsh, august 19 naman nanganak ako. Kahapon may brown discharge nako and now blood na and katagalan nagiging brown di naman ganon kadami pero nag lagay nako ng napkin baka ksi bumalik na menstruation ko.. Pero wala ako nararamdaman na pag kirot. following ako dito sa post mo baka may same case pa satin d pako bumalik sa ob ko simula nanganak ako wala kase mapag iwanaN sa baby ko

Magbasa pa
5y ago

Tinigil ko muna pagnapkin or panty liner natakot ako sa mga nabasa ko na baka magka-uti. Nagbasa rin ako sa google tungkol dto sabi normal lang daw kasi parang nililinis ung uterus pro mas maganda na na may ibang opinyon lalo nat parang sa labasan ng ihi. Thankyou sa reply, mamshie. Abang-abang pa tayo ng ibang comment.