Name: Harmony Zoe
Weight: 2.8
Edd: nov 18 2020
DOB: nov 18, 2020
Thanks god nakaraos din ❤ November 16 kakaiba na pakiramdam ko kaya ng punta na ko sa lying in kung san ako manganganak para mag pacheck and that day 1cm na ko at may labot pain na din kaya kinabukasan pinabalik na din ako pag balik nmin ng November 17 sinabihan na ko nag ob ko na for admition na ko kaya pina uwi nya ko para makaligo tas makakuha ng gamit bumalik ako ulit ng lying in that day mga 2pm tpos dpt mag stay na ko kaso wala pa space kaya sabi ko uuwi muna ko pero nilagyan nya na ko gamot sa pwerta pampalabot cervix tas kailgan bumalik ako ng 12am.
Pag balik ko ng 12am pag ie sakin 4cm na ko edi naglagay ulit ng gamot sa pwerta ko na pampalabot daw ng cervix mga 9am nya na ko binalikan this day is may duedate November 18 pag ie nya sakin ng 9am 5cm pa lng pero pinutok na nya panubigan ko tas nilagyan na ko nag primrose 1000 tas every 2hrs ng lalagay sya ng primrose para mapabilis na pag open. 10 am ng start yung sobrang sakit na labor habang dumadaan yung oras pasakit sya ng paskit. Sa sobrang sakit pagod na yung katawan ko sobrang antok na tlg ko pero ndi ako nakatulog kasi iba na tlg yung sakit 12pcs na primrose ang nalagay sakin 4:30 ng 8cm na ko dun pinasuk na ko ng delivery room pinaire lng muna ko this time mas malala na yung sakit sobrang nag mamakaawa na ko sa ob at nurse na baka pwd ilabas na namin si baby pero wt pa daw sandali kasi mataas pa kaya ire muna ko mga 4:50 ng start tatlong push lng na sunod sunod baby is out na 5:08 lht ng hirap napawe kasi nakalabas na si baby sobrang sarap sa pakiramdam ❤😍😍😍 worth it lht ng sakit 🙏❤
Pasensya sobra haba hehehe want to share lng lht ng pinag daanan ko ngayun mas naintindhan ko kasi lht ng hirap ng isang ina sa pangangak na ndi pla tlg biro❤
Salamat sa time nyo na basahin to❤❤❤❤