45 Replies
Kakapanganak nyo lang ba mommy? If oo normal po yan ako nung nanganak inabot kami ng 2mos na ganyan lang kadami gatas ko makakapunp ako ng 3oz. Madalang pag nakapahinga ko ng maigi pa nun ok lang yan unli latch lang si baby and wag po masyado mag worry kase maliit pa naman po tummy ni baby. Now 5 mos. Na LO ko umaapaw na sa dami take ka din malunggay capsules, masabaw or more inom ng tubig, milo or gatas for mommies and then lactation treats po pag stress po kase tayo affected din ang milk supply natin. Kaya relax lang po.
Ganyan lang po talaga yan sa umpisa mumsh maliit pa ang bituka ng bata padede lang po ng padede nag aadjust po kasi ang breast natin kung gaano kalakas dumede si baby. And lessen po ang stress oara more more milk nakaka apekto den po sya ng milk supply stay positive lang po. ☺️
Drink more water momsh.. kain ka rin po ng masabaw na ulam (sinigang, nilaga, sinuwam na mais with malunggay). Kain ka po oatmeal, effective din yun. Tuloy nyo lang po regular pagpump at pagbreastfeed, dadami rin po yan based sa need ni baby. Try nyo rin po Natalac or any Malunggay capsule.
Pag direct latching ba, Hindi parin satisfy si baby? Ako din kasi mahina ang nappump ko pero malakas ako sa water plus nagttake ako ng Natalac capsule. Since sa bahay lang naman ako, napilitan ako magresign kasi wala magalaga, direct latching kami ni baby. Satisfied naman siya.
Imassage mo breast mo o hot compress tuwing mag pump ka. Tapos orasan mo pantay dapat parehong breast. Humigop ka ng sabaw, o di kaya magpakulo ka ng malunggay ganon ginagawa ko e. Minsan nagugulat nalang ako basang basa tshirt at bra ko tumatagas kusa ung gatas sa dede ko
Sisssss. Try mo to very effective. Nakita ko lany din dito sa app. Problemado din ako noon kasi biglang kumonti supply ko to the point na hirap akong abutin yung 1 oz nung pinump ko. Ngayon, 5 days na yata akong umiinom niyan sobrang naglileak na ulit gatas ko 😊
ako kadalasan nasasayang lang breast milk ko dahil di kayang ubusin ni baby..nag-iinom lang ako ng bearbrand Umaga at Gabi at kumakain din ako may sabaw na ulam at ramdam ko din pag-inuulam ko sardinas Dami agad milk ko😅
Inom ka mega-malunggay. Effective siya sakin. Ganyan din ako nun una. Natry ko natalac kado mukha di hiyang sakin. Kain ka din fruits lalo na apple. Syempte mga masabaw na food and water intake lagi.
Try nyo po magluto ng sinabawang malunggay ..dalasan nyo din po magulam ng masasabaw na pagkain .. It really helps po base po sa experience ko as a first time mother. Meron din po nabibiling malunggay capsule
may brand ba ng malunggay capsule na mas maganda itake?
may nakapag share na dapat magpakulo ka ng 1liter water pagnagsimmer nah lagyan mo ng 2C malunggay plus around 2-3 sachets milo and then drink it for the whole day na liquid consumption.
Nabasa ko rin to yung milonggay daw milo+malunggay pero wag daw maraming milo kasi baka tumaas naman sugar pero okay na okay daw yon dahil sa malt.
Trisha