54 Replies
Ang binat ay yung nalipasan ka nang gutom..after ko manganak sinabihan ako nang OB ko na need maligo kinabukasan kasi lilinisan tahi ko CS here,diko sinunod kasi sobrang sakit pang magkikilos kaya nung nilinisan ni OB she asked bakit hindi ako naliligo..tumahimik lang ako at she insisted na need ko talaga maligo para mabilis maghilom sugat kaya naligo na ako 3rd day after manganak hanggang sa nakauwi sa bahay everyday na naliligo💙
2 weeks after tsaka ako naligo. Jusko laking sakripisyo for me kasi sobrang pawisin ko as in sobrang lagkit ko na. Kaso ang daming hanash ng mga matatanda dito samin kaya kahit sobrang labag sakin sinunod ko pa rin sila. Tapos after ko makaligo nun gusto pa nila every other day ako maliligo. Jusko day! Diko na keri. As in ang asim ko na. Hirap pag madami kang kasamang paniwalain sa mga kasabihan.
CS ako, momshie. My OB said I can take a bath na on our 3rd day sa hospital. Kasi may waterproof patch na ang tahi ko. But of course may mga matatandang kasabihan, wag daw maligo for a week. Para sa peace of mind nila sinunod ko na lang. Tamang linis ng katawan lang ako for a week. Kung saan ka komportable momshie, yun ang gawin mo. ❤💚💙
Sa akin kasi noon 1 week di talaga ako nagbasa ng buhok sis. Half bath lang noong unang linggo after manganak at maligamgam lang na tubig pinapanligo ko. Laking probinsiya kasi ako kaya yun ang sinasabi nila na dapat wag daw agad agad maligo na as in pati ulo kasi nakakabinat daw yun ang sabi nila.
10 days ako. Normal delivery, then ang pinangpaligo ko pinakulo na dahon ng mangga, sampaloc, at bayabas tpos inupuan ko pa sa planggana yung mga dahon na yan para ma absorb ng katawan ko yung init tska para di din mabinat. Nakakaginhawa sya. Wag din masyado babad sa hangin para di masumpit.
Sa science po pwede na maligo after mo manganak kung kaya mo ,pero sa mga nanay po natin na may karanasan ina advice po nila na 7-10 days muna bago maligo kumbagaa tried and testedna nila kung ano ang effect non pagdating ng panahon... Pero wag nman po 1 month momshie jijiji
Yup..tried to take a bath after delivery at inaraw araw q pa. Tuloy nalamigan katawan q at dahil dun di aq halos makahinga. Buti lagi aq hinilot ng papa q sa likod. Ayun gumaling. Di muna aq naligo ng atleast one week. After one week pag maligo ulit dapat maligamgam.
3rd day, punas lang kasi pauwi na kame galing hospital. Then 4th, pinaliguan ako ng kasama namen sa bahay, 5th day, ako na naligo mag isa na sa sobrang tapal ko ng cling wrap wag lang mabasa sugat ko, ang tagal ko natapos. CS mon here. 😊
After 3 days pwede na po. If cs mom kayo ingat lng sa tahi para hndi mabasa. If normal delivery naman mas maganda pag haluan nyo ng pinakuluang dahon ng bayabas para mas mabilis gumaling ang sugat
Unhygienic yung di paliligo lalo na kung nagpapasuso ka ng baby. Lalo na ang init ngayon at may pandemic. CS mom ako, naligo ako pagka discharge ko sa hospital with my OB's approval rin.