Buntis after makunan

Nakunan ako ng January at nagbleed for 1 week katulad ng normal mens ko. Tapos sa tvz naman nacleared na malinis na matres ko nung Feb 13 at sabi sakin pwede na mabuntis. Complete miscarriage. No D&C. From last considered LMP ko which is ung bleed ko for 1 week na after na makunan kapag inistart ang monitoring hanggang ngayon lumalabas na delayed na ako ng limang araw. MagPT ako after 2weeks pa, kasi baka layag lang naisip ko. Pero sumagi dn nga sakin na baka mamaya buntis na agad ako. As of now napapansin ko lang na sore at heavy ang breast. Walang cramps pero may instances na parang may pitik sa puson (which hndi naman symptom alam ko). Possible ba mabuntis agad after 1 month lang na makunan agad? Any experience? TTC kami kaya no problem kung mabuntis agad. Palakas loob dn na baka ito na yun. HAHAHAHA

10 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa case ko mi oo possible po sya . nagka spontaneous abortion ako last nov 19 complete miscarriage po hindi din ako niraspa im about 6weeks that time , expected mens ko after ng miscarriage ko ay dec 16 pero hindi na ko dinatnan dec 17 nagPT ako dahil yun yung advice ng OB ko dahil may nakita na itlog sa tvs ko and baka daw ma fertilize ulit ayun nag positive ako sa PT pero di pa rin ako convince that time inaantay ko ang january nagPT ulit ako malinaw na malinaw na yung two lines halos every week or every 3 days nagPPT ako kasi di ako makapaniwala until last feb 6 naisipan ko mag paserum and positive ulit nakapag pa ultrasound ako and confirm buntis ako and malikot na si baby sa ultrasound and walang complications 😊

Magbasa pa
2y ago

actually po di na po ako nag depend nun sa cycle kasi diko na po ineexpect na makabuo ulit agad but sabi ng OB ko nun last transv ko after miscarriage e may nakitang itlog so waiting daw po if mafertilized and yun nga po dina po ako dinatnan ng dec and positive ba po sa PT .

Thank you sa mga sagot nyo. Bale delayed na kasi ako ng 1week. At may kadalasan ang pagsama ng pakiramdam ko. Galing ako sa follow up check up kanina at pinag PT ako negative naman. Pero sabi ng doktor magtest daw ako uli next week kasi para sa accurate na result ay 1month and 10days daw lalabas ang HCG mula ng conception.

Magbasa pa

yes it's possible. ganyan ako last December nakunan ako, nagbleeding ako for 1 week dahil nga don sa miscarriage. then hindi na ako dinatnan ng January. kaya nag PT na ako agad, positive. nagpacheck ako sa OB and nag TVS ako 5weeks na pala akong preggy. Now, I'm 11 weeks and 3 days pregnant🥰😇

yes possible po. ako din ganyan sa 1st ko, nag start ako mag spotting Sept 29 yun na pala yun Hanggang sa nagtuloy tuloy na. complete miscarriage Oct 12, then Hindi na ko nagkaron ng Oct 29 hehe. nag pt ako Nov 8 ayun positive agad. I'm now 21 weeks pregnant mi. 🥹❤️

VIP Member

Last dec 18 2021 naraspa ako, by January 22, 2022 confirmed 2nd pregnancy ko. Hindi na ko nagka menstruation. As per my Ob mabilis mabuntis after miscarriage pero minsan case to case basis daw talaga.

2y ago

Hyperacidity, kaya naisipan ko mag pt. Pero yung ibang symptoms same as normal symptoms ng early pregnancy lang din.

Hello, based on my experience po pwede pong mabuntis agad after makunan. Nakunan po ako january 2. Pagka-february nalaman ko po na buntis na po pala ako. Hindi po ako naraspa.

Yes possible po yan. Sa case ko po tinanong ako ni ob kung gusto ko na agad mag try to conceive after sabi ko yes niresetahan ako ni ob pangpa healthy daw ng womb.

oo alam ko posible. dami ko n nabasa nabuntis agad

Ako po days lang after makunan nabuntis agad 😅

Advice?