ADOPTED DAUGHTER AKO

May nakita akong post na magpapa adopt ng baby girl ? at may pumasok sa isip ko na subrang sakit sa dibdib ? (Grade 3 ako nung nalaman kong ampon ako kasi ng yung mga kaklase tinutukso ako dati na "AMPON KA LANG TINAPON KA NG NANAY MO SA BASURAHAN PINULOT KA LANG NI MAMA AT PAPA MO SA BASURAHAN" subrang sakit ? Mama at papa ko po hindi maka buo ng baby dati kasi yung similya ng papa ko puro daw patay and may tinatake na gamot pero panay pa din inum ng alak kaya hindi parin sila naka buo kahit anong try nila at ako po yung ADOPTED DAUGHTER NILA. 5months preggy ako now and subrang mahal na mahal ko ang baby ko kahit nasa tummy palang siya subrang saya ko pag nararamdaman ko pag galaw niya yung sipa niya ❤ and naisip ko bigla na YUNG NANAY KO KAYA NAGING MASAYA HABANG PINAGBUBUNTIS NIYA KO? BAKIT GANUN KADALI PARA SAKANYA NA IPA AMPON AKO? DI BA NIYA AKO MAHAL? NGAYON KAYA NAAALALA PA NIYA KO? ? simula nung nabuntis ako at nabuo yung pag mamahal ko sa anak ko palagi ko ng iniisip nanay ko tungkol sakanya kung magka mukha ba kami. Kasi sabi ni mama nung pina ampon daw ako ng nanay ko naka ngiti pa tapos tuwang tuwa sa 500 ? 500 lang yung halaga ko dati. April 29 ako pinanganak May 1 kinuha ako ni mama sa kanila kasi papaampon daw ako. And sabi ni mama 2003 daw namatay na yung tatay ko kasi may sakit. Hindi naman masama loob ko kay mama at papa kasi ampon ako nila mas nagpapasalamat pa nga ako kahit di nila ako kadugo minahal nila ako ng subra2 lalo n itong pinagbubuntis ko. Sa ngayon di pa ako handa makipag kita sa nanay ko kasi may galit pang na mumuo sa damdamin ko ?

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako din sis adopted din ako. And sobrang sakit sakit ng malaman kong adopted ako. 1styr highschool ako non ng malaman ko yun. Sa sobrang sama ng loob ko nag rebelde ako sa mga nag ampon sakin kasi gusto ko makilala biological mom ko. And ayaw nila mommt at daddy kasi gusto nila move forward na. Atvthe age of 16 namatay daddy ko. Sobra pag sisi ko non bakit sknla ako nag rebelde. Nung mawala daddy ko bumawi ako sa mommy ko hangang sa na kwekwento na nya simula pa lang ng pag bubuntis ng biological mother ko gusto na pala ako ipalaglag non and ang ginawa inalagaan siya ng mommy at daddy ko mula 1st trimester nya sila na gumagastos sa pag bubuntis nya. Dun ako nagkaroon ng galit sa biological mother ko na ayoko na pla siyang makita. Kuntento na ko kng nasaan ako ngyon.

Magbasa pa

You should make peace with your biological mom. The fact na okay na okay yung buhay mo ngayon is partly utang mo pa din sakanya kasi nahanap niya yung adoptive parents mo. Tanggalin mo na yung resentments mo momshie. Naniniwala ako na minahal ka din ny biological mom mo, it's just that wala siyang kakayahan na palakihin ka at mabigyan ng maayos na buhay. Make peace with your inner anger, para na din sa baby mo. Para paglabas ni baby mo buong buo na yung feeling mo and 100 percent ng emotion mo mabibigay mo sakanya. Ina ka na din ngayon so the more na you should forgive your biological mom. Praying for your inner healing momsh. May God give you strength para makapagpatawad ng buong buo 🙏❤

Magbasa pa

Baka may magandang reason ang biological mother mo kaya ka pinaampon. May mga nanay kasi na aminado silang hindi nila kayang punan ang needs ng isang bata kaya mas pinipili nilang ipaampon to. Para sakin, mas okay yun kung wala talagang choice kasi gusto niya pa ring maging maganda ang kinabukasan mo. :)

Magbasa pa

me too sis ampon din ako and i feel you.. tho medyo malungkot kc dku nakita biological parents ko thankful nman ako kc never ko nramdaman sa mga magulang ko ngaun na ampon ako.. patay na kc ung mommy ko tlga kapatid lng sya ng tita ko na mama ko ngaun..

VIP Member

Time will heal sis baka nagawa lng ng mother mo yun kasi gusto nya na magkaruon ka ng mas magandang buhay or depress sya .be positive sis and God bless always