Lagnat, ubo at sipon habang buntis

May nakaranas po ba sa inyo nito mga momsh sobra kasi sakit sa ulo dinanas ko at lagnat masakit ang kalamnan, first time ko kasi lagnatin 2nd trimester na po ako, 2nd baby ko na dn po ito, at yung ubo malala kasi halos sumakit puson at balakang ko kakaubo, ano po kaya best home remedies mga momsh.. may nirereseta naman s ob ko kaso parang natatakot ako magtake ng gamot habang buntis, kung may natural ways sana gat maari.. Hindi naman po kaya mapaano s baby ko kapag nilalagnat ako, sa ngayon naman ok na ako ubo nalang, at sipon.. thank you po in adv. sa advice mga momsh..

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hello po mommy, kung si OB naman po ang nagreseta, alam niya po na pwede yan sa inyo. kung ayaw niyo padin po uminom ng medications pwede naman po kayo mag suob, humigop ng sabaw, mag salinase ng ilong, at kumain po ng rich in vitamin c. mommy makinig po kayo sa OB niyo para din po kay baby yung paggaling niyo. baka pagalitan kayo ng ob niyo nagreseta siya di niyo sinunod payo niya.

Magbasa pa

last week po nagkaubo at sipon ako sobrang lala kasi lalagnatin na ako di rin makatulog dahil di makahinga kaya ginawa ko more water tapos sa tanghali at hapon nag cacalamansi juice ako yung maligamgam tapos may 1tsp of honey tapos marami rin kain nang dalandan kasi may vitamin C saka citrus fruit yun. after 2 days nawala. try nyo po 11 weeks preggy po ako

Magbasa pa