Lagnat, ubo at sipon habang buntis

May nakaranas po ba sa inyo nito mga momsh sobra kasi sakit sa ulo dinanas ko at lagnat masakit ang kalamnan, first time ko kasi lagnatin 2nd trimester na po ako, 2nd baby ko na dn po ito, at yung ubo malala kasi halos sumakit puson at balakang ko kakaubo, ano po kaya best home remedies mga momsh.. may nirereseta naman s ob ko kaso parang natatakot ako magtake ng gamot habang buntis, kung may natural ways sana gat maari.. Hindi naman po kaya mapaano s baby ko kapag nilalagnat ako, sa ngayon naman ok na ako ubo nalang, at sipon.. thank you po in adv. sa advice mga momsh..

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hello po mommy, kung si OB naman po ang nagreseta, alam niya po na pwede yan sa inyo. kung ayaw niyo padin po uminom ng medications pwede naman po kayo mag suob, humigop ng sabaw, mag salinase ng ilong, at kumain po ng rich in vitamin c. mommy makinig po kayo sa OB niyo para din po kay baby yung paggaling niyo. baka pagalitan kayo ng ob niyo nagreseta siya di niyo sinunod payo niya.

Magbasa pa