Advice Please. Titigil na si LO sa breast feeding due to work.
May nakaranas na po ba rito na itigil ang breastfeeding dahil sa work. Ngayon pa lang kasi iniisip ko na si LO maiiwanan ko. Hindi ko siya maisasama. Maiiwan siya sa Province at ang Work ko ay stable sa Manila. Hindi ko pa maisama kasi binabayaran ko pa lahat, rent, water bill, electric bill, etc. Yung pangkuha ng yaya ay para na sana sa kanyang milk and diaper. Matatapos na ang maternity leave ko. Turning 2 months na siya at tinatry ko naman na i-train sa bote. Kaya lang nag-aaway pa kami. Siguro masasanay din siya, soon. Kailangan. Ang kailangan ko namang gawin ay paano yung milk sa katawan ko. Masakit kasi kapag hindi nadede. Ano ang mainam gawin? I-pump pa rin ba or may need na inumin to stop my milk production. Nasasayangan ako. Ayaw ko sanang itigil ang pagpapasuso. 🥹 Kaya lang working ako. Uuwian ko naman siya every weekends. Please don't judge.