EBF si lo and ayaw magswitch sa bottlefeeding or ayaw nya yung milk?

Mga mommies, please help. Balik work na po dapat ako pero naaapektuhan yung pagpasok ko sa work dahil si baby hindi pa po trained sa bottlefeeding. Nag 4hrs po ako sa work pero hindi daw po nadede si baby sa bote, hinintay pa po ako makauwi para lang makadede. Pahingi naman po ako ng mga tips mommies lalo na sa kagaya ko na sobrang stuggle talaga magswitch sa bottlefeeding nung una. I need some ideas po. 4 months po si baby and di ko po alam na dapat 1 or 2 months dapat sinasanay na sa bote kahit mix feed. #bottlefeedingtips #EBFBaby #workingmomlife

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ipa-try po sa maiiwang tagapag-alaga ang cupfeeding para maiwasan ang nipple confusion. If pumped bm ang ipinapainom, 1.0 - 1.5 oz lang po for every hour na wala si mommy ang kailangang consumption ni baby, then direct latch na after dahil magbabawi so baby ng milk. Mahirap sa umpisa pero maga-adjust naman si baby kapag narealize nyang wala talaga si mommy. Need lots of patience para sa maiiwang tagapag-alaga ☺️ Cupfeeding video: https://youtu.be/OkhSJ16FHfY?si=Lcy807mzblT0urIr Cupfeeding si lo ko since magback to work ako after my maternity leave. Hindi ko naman sinanay nang maaga or anything, nag-adjust na lang sya nang kusa, and pasalamat ko na rin sa nanay ko na nagtyaga. After 1 week, expert cup feeder na sila pareho 😁

Magbasa pa