Flakes ko lang itong asawa ko!

Nakakastress lang itong asawa ko pagsamalayo and distino nakakalimutan na may asawa syang naghihintay ng txt o tawag kung anong nangyayari sakanya. Magtxt ka man pasalamat ka kung sagutin. Pagwala sya dito sa bahay hindi ko ramdam na may asawa ako. Alam ko masama mainggit pero nararandaman ko minsan lalo pa pagnakikita ko mga kapatid ko na ibang iba sa meron sa meron kami. Mabuti pa ung abroad ang asawa hindi ntatapos nag buong araw na hindi nagparamdam sa asawa naiwan dito sa pinas. Eh yon andito lang sa province unlimited ang load, wala naman sya sa bundok para mawalan ng signal o malobat kaya nyang hindi magparamdam 3-5 days. Dati noong bago palang kami mag asawa lage ako natawag o txt sakanya, at dahil nasawa na ako sa kakahintay ng mga reply nya hanggang makauwi na dito sa bahay. Hindi na ako nagkukulit, kung maalala nya ako salamat. kung hindi wala aman ako magagawa. May trabaho ako at masmalaki sahod ko sakanya. Kulang nga panggatas at diaper sahod nya. Ganito pa binibigay saken. Nakakaloka, maaga ako mamatay sa kunsumisyon sakanya. Mabuti nalang dito mga anak ko binabaling ko nalang atensyon at pagmamahal ko sakanila. Kung pwede lang isauli na sya sa pamilya nya, hindi ko na sya maramdaman. Pakiramdam ko mag isa lang ako? Salamat sa pagbabasa mga momshie. Naglabas lng ako ng sama ng loob☹

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Momsh, okey lng po yan ipagpray nyo lang po yung asawa nyo to change his heart, or change ur heart.. wla pong imposible ky Lord. Pero momsh pag nakikita ni Lord na nahihirapan na kayo or di nyo na kya better let go nlngm kya nyo nmn po buhayin mga anak nyo. Bka momsh meron xang iba kasi kung wla po xang iba sayo lng yan nka focus po.. haysss.. ipagpray nyo po yung decision nyo momsh. Kasi po its a lifetime decision po. Godbless po

Magbasa pa
5y ago

salamat momshie...tinatak ko na sa utak ko hindi ganito kami habang buhay. Kaylangan ko ng peace of mind. It's better to have no partner that to have unhappy relationship. Nag iipon ako ng lakas at humihingi ako ng guidance kay papa God na gabayan nya ako sa lahat ng magiging disisyon ko.

nako mamsh laban lang para sa mga bagets pero d naman ata tama po na 3 to 5 days di magparamdam. nakakapagtaka naman yung ganun kahit sino malulungkot kung ganyan ang treatment sayo. pagusapan nyo yan mamsh. ang hirap naman sabihing hiwalayan mo nalang kaya lang mukang love na love mo kasi nagtitiis ka ng ganyan. pray mamsh.

Magbasa pa
VIP Member

Baka may nag iba na. Walang asawa na hindi magpaparamdam ng ganyan katagal. Base sa kwento mo wala siyang paki, saka yung trabaho magagawan ng paraan. Pwede siya magtrabaho dyan din sa lugar mo para sayo siya uuwi. Wala naman atang asawa na gusto mawalay sa pamilya niya lalo na kapag mahal niya dba 😞

Magbasa pa
5y ago

Ramdam ko naman na may iba. Malalaman at malalaman ko din. Umiipon lang ako ng lakas to let him go.

hahaha, i feel you po, ganyan din partner ko pag mag stay in e, wala ng paki alam basta nasa malayo, taz tayo isip ng isip kung ano ngyayare sa knila kasi wla man lng paramdam kahit isa.

5y ago

nakababaliw diba? bakit ganon sila.

Tatagan mo lang loob mo mommy. Ako din minsan feeling ko single parent ako kaya open ako sa possibilities. Whatever happens, kailangan magpakatatag para sa ating mga anak.

5y ago

Thank you momshie...ako din, in the future alam ko magiging maayos din lahat. yong for good

KUNG GANYAN LANG DIN NAMAN SYA AT KAYA MO NAMAN BUHAYIN ANAK MO. OO NGA IWAN MO NA YAN SIS. UNTI UNTI MONG SANAYIN NA WALA SYA SA BUHAY MO.

since ganian sya at kaya mo tistusan mga anak mo pabayaan mo na sya wg mo na ittxt momsh skit s ulo yan ..

baka may ibang pamilya po o babae. sorry po ha..yun lang pwede maging dahilan bakit di sya nagpaparamdam

5y ago

Ramdam ko naman sis. Kunting tiis lang nag iipon ako ng lakas ng loob with God guidance.

Mommy talk and pray po. Hindi ko ata Kaya Ang ganyan.

5y ago

thank you momshie..sa totoo lng nakababaliw.

Matanong ko lang po kung ano po ba work ni mister?

5y ago

driver