THOUGHTS

nakakapagod po palang mag alaga ng newborn, 1 week palang po baby ko pero pagod na pagod nako physically and mentally :((((( any advice po mga mommies? 😞😞😞

47 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naalala ko rin noong newborn ang baby ko. Para akong bangang lagi,sis, lalo na nung 1-7 days ni baby nahirapan ako. Minsan naalimpungantan ako akalo ko pumikit lang ako yun pala tangahali na at kailangan kong paarawan si baby. Yung parang ang gaan na ng ulo ko kasi sa sobrang kulang ang sleep ko. Hanggang sa naka adjust ako. Sabi nila sabayan daw magsleep si baby. Hindi ko kayang sabayan ang sleep ni baby lalo sa umaga kasi ang dami ko kailangang gawin kaya sa gabi maaga ako mag ssleep mga 7pm tulog na ako. Pwede po kayo mag ask ng help sa kasama niyo sa bahay or husband niyo po para siya muna ang mag alaga kay baby para magkaroon kayo kahit paano ng pahinga. Hayaan niyo po makakapag adjust naman po kayo pag one month old na si baby.

Magbasa pa