THOUGHTS

nakakapagod po palang mag alaga ng newborn, 1 week palang po baby ko pero pagod na pagod nako physically and mentally :((((( any advice po mga mommies? 😞😞😞

47 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, first time din ako. Simula nung nanganak ako kami lang ng asawa ko. Tapos foreigner pa. Wala din masyado alam kasi first time parent din sya. Sobrang mahirap talaga. Iniinda mo tahi mo tapos pati mag cr umiiyak ako. Sakit ng tahi. Kahit pag higa at pagbangon masakit. Pero kinakaya. Buti nalang, yung asawa ko, pag gabi gising sya, binabantayan nya kami. Baka maipit ko si baby at baka sa sobrang himbing ko di ako magising pag nagugutom si baby. Isang beses nag cr ako humagulhol talaga ako. Kaya sabi nya lumabas daw kami para di ako mabaliw sa loob ng bahay. Kahit saglit lang ikot2x sa mall. Tapos pag madaling araw pagkatapos ko magpadede kay baby, timplahan nya ako gatas. Kailangan mo lang support ng asawa mo or kamag anak. Sa awa ng Diyos na survive ko yung newborn time ni baby. Ngayon isang taon na si baby, di ko na iniinda ang pagod kasi napapawi lahat. Kahit puyat ako, at nauna syang gumising, hinahalikan nya ako at daddy nya para magising kami. Nawawala ang antok namin. πŸ˜ŠπŸ’• It will get better mommy. Hindi mo mamamalayan, malaki na baby mo.

Magbasa pa