47 Replies
Mamsh, ako din ganyan nung first week ni LO hirap na hirap akong magadjust yung tipong di ka naman sanay sa puyatan gusto mo ng matulog pero di pa pwede. Kaya po ang ginagawa namin ni hubby alternate kami ng pag aalaga kay baby. Usually kasi gising si baby ko ng bandang 11:30 hanggang 3 ako po sumasabay po ng tulog kay LO pinapatayan ko din po ng ilaw minsan nga din nagccp ako para malibang saglit tapos sa tanghali natutulog talaga ako para mabawi ko yung puyat ko
Ganyan po talaga momshie. Gagaan din po loob niyo sa mga susunod na linggo. Tyagain niyo lang po sakripisyo talaga magka baby. Hanggat maari kung may makakatuwang po kayo sa pag-aalaga magpatulong po kayo. Share ko lang po experience ko, wala po ako katuwang sa puyat at nagka anxiety ako. CS po ako. Nagka bell's palsy pako na ubod ng sakit. Iniiyak ko lang pag pagod ako physically at mentally. Kinaya ko naman po. Pray at think positive po hanggat kaya.
Same mamsh! 😢 Lalo na sa gabi, antok na antok kana siya naman gising. Sabayan pa ng sobrang sakit ng utong kaka-ut-ot nya. Tapos hinehele mo na nga, iiyak pa sya huhuhu. Ilang araw na nga akong umiiyak sa gabi. Buti nalang anjan si mama ko at papa plus kapatid na kaagapay ko kay baby. Wala si hubby nsa barko. Gdluck satin mamsh! Kaya naten to, mga isang buwan mejo magaan na sa feeling siguro. ♥️♥️♥️ God bless you! 🥰
Pang 10 days ko na with baby pero kahit puyat kaka breastfeed sa kanya, never ko inientertain ang pagod kasi kako, mabilis lang lumaki ang mga bata. One day mamimiss ko to, kaya might as well savour every moment with your LO dahil bukas makalawa di mo namamalayan, malaki na baby mo. Ofw asawa ko, mas mahirap kasi wala akong katuwang. Ako lahat, pero okey lang. Things you do for love ika nga ❤
Gawin mo po kcng madali kailangan nka mindset ang sarili natin sa gngawa natin at dapat kasama ang pageenjoy doon dhil c baby ung inaalagaan natin at lahat nmn yan worth it ganyan din po aq mommy dq pa kasama c hubby nyan pero andyan nmn pamilya q kapag nakikita q clang nilalaro ung baby q napapasaya na din aq at gumagaan ang pakiramdam kaya po natin yan keep pray lang po at palakas lagi🙏🏻😊
Ganyan din ako sis, minsan nga umiiyak ako ng walang mabigat na dahilan that time, pero everytime na tinititigan ko ang baby ko, lahat ng pagod physically and mentally nawawala, syempre with support ng family member.. Ngayon 2 months na baby ko, ayun pagod padin pero mejo nasanay na..😊 Enjoy mo lang momsh, kasi pag lumaki laki na si baby, mamimiss din natin lahat ng pinagdaanan natin.
naku mommy mas mahirap kung may newborn ka na tas may isa ka pang inaalagaan na toddler tas kailangan pa talagang subuan kumain..tapos wala kang kasama sa bahay kayo lang..nararanasan ko talaga noon na maligo na nakabukas yung pinto ng cr namin😂tapos si baby nilalatagan ko ng higaan sa kusina para makita ko lang habang naliligo ako.
Ganyan din pakiramdam ko, tipong naiyak na lang ako pag naiyak si baby, mag two months na ako lang nag aalaga sa anak ko, wala akong tulog at kahit mag ayos ng sarili di ko magawa sobrang nakakapagod, napasok na din sa isip ko saktan sarili ko 😔 sobrang hirap .. tapos bilis ko din mairita, gusto ko tahimik lang kahit pag iyak ni baby kinaiinisan ko ..
Sana kayanin ko pa 😔
Ganun po talaga mommy, walang ibang mag ttyaga ng sobra sa pagaalaga ng mga baby natin kundi tayong mga nanay. Nakakapagod oo, pero dapat always open your mind sa bagong experience, pag super pagod kana titigan mo lang yung anak mo im sure lahat ng pagod mo worth it kasi para sa kanya lahat yun. Kaya mo yan mommy, stay strong para sa anak mo.
Same here, mommy. Nung unang buwan ni LO, iyak ako every night kasi almost 5am na ako nakakakuha ng matinong tulog dahil every 2hrs siyang nadede sakin. Ngayong 4 months na sya, naisip kong sana ienjoy ko yung moment nung bago sya mag-isang buwan. Mabilis lang ang panahon, mommy. Enjoy it while you can. Malalampasan mo rin yan. 😊😊😊
Maria Angelli Illustrisimo