Pashare lang ng nararamdaman

Nakakalungkot mga mommy ayaw kumain ni baby ng mashed veggies. Puro cerelac eh alam ko namang hindi healthy yun sa bata. Nag aaral ako ng mga recipe na pwede ipakain sakanya pero ayaw niya nasasayang effort at budget sa pagbili ng healthy food :( Tapos tinatry ko naman ang best ko pero parang lagi akong fail sa paghanda ng pagkain ni lo. Gusto ko lang naman healthy lang ang kainin niya. Tapos kulang pa ako sa suporta o encouragement ng pamilya ko. Tinatry ko kausapin baby ko na kumain siya ng gulay pero ano namang maiintindihan niya 7months palang po siya. Nakakalungkot sobra kasi alam ko despite sa mga food plan ko at effort ko sa baby, sakin padin ang balik kapag nagkasakit o hindi nag gain ng weight si baby.

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dapat sis una mo pinakain vegies or fruits ksi pg cerelac or gerber maggng picky eater na tlg yan. Tried and tested ko yan sa 2 kids ko. Picky eaters sila b4 nagtyaga lng kmi pakainin ng gulay st isda sila kya ngayn ndi na. Pero youngest ko from the start vegies and fruits tlga knain nun una kya now 3 y/o sya ndi sya picky eater. Mas mhilig nga lng sya kmain ng fish.. favorite nya fish kht anong klase luto ng fish knakain nya. Bsta try mlng sta ng try oakainin ng vegies and fruits ng wlng halo. Wag mna ipapakain cerelac or gerber sknya...

Magbasa pa
5y ago

Naduduwal po siya sa pag plain gulay wag ko na daw pilitin

hi mommy, wag ka madiscouragez tyaga lang po para din kay baby iyan too early pa para sumuko. gawan nyo po ng twist, palitan nyo po ng bago ang food utensils nya 😊 then keep offering lamang po, with your own way of entertainment (huwag gumamit ng cp or tv) , kung ayaw nya pa po mag eat agad, try again later, mahirap po talaga mag introduce new food sa baby kahit po nauna ang veggies. kapag nasubo na nya yan, tuloy tuloy na po. God bless you momsh!

Magbasa pa

Ihalo mo nalang po tapos gradually alisin na ang cerelac. Huwag po pilitin kumain si baby introduce lang palagi. Kung hindi siya kakain may gatas naman sa gatas pa rin sila kumukuha ng nutrients.

Nsanay kasi sya sa cerelac matamis kasi un. Dun na nasanay taste nya. Wag mo mun patikimin ng cerelac tpos ung food na handa mo lagyan mo ng milk nya.. Tiyaga lang tlaga.

Nasanay ata sa medyo matamis mommy, haluan ang cerelac ng vegetables, or banana with vegetables para may lasa tapos slowly po eliminate cerelac habang maaga pa.

VIP Member

Alisin mo ung cerelac gradually sa mashed vegetables gang vegies nalang. Kapag ayaw nya wag pilitin. Tiyagaan lang sa pagpakain.

5y ago

Naduduwal po siya sa gulay. Kaya wag na daw pilitin kaya pinag cerelac.

try ko yung BLW main source pa din nmn ng nutrients nila ay milk e Baka Kailangan lng mag explore muna ni baby

pamangkin ko inalagaan ko cerelac din una natikman 2yrs old na ngaun ayaw din kumain ng gulay

Ung baby ko naman ayaw kumain ng pang baby. Mas trip nya ung mga niluluto ng mother ko 🤣

Kaya dapat talaga di iniintroduce ung cerelac sa baby. Seselan ang panlasa