Advice po para samin please, thankyou.

Nakakalungkot lang wala akong malabasan ng nararamdaman ko, 17 years old po ako ngayon preggy po ako ng 18 weeks pero bakit nagawa akong pagtabuyan ng pamilya ko:< akala ko nung una sila makakaintindi sakin kase naranasan din nila magasawa ng maaga pero di pala. Sobrang lungkot ko wala akong nakakasama sa pagcheck up kahit jowa ko wala. Ang hirap pala mag isa pero para kay baby kinakaya ko, para kay baby gagawin ko lahat. Buti nalang may mga kaibigan akong anjan para magadvice sakin at nagdownload ako ng app na'to para makatulong sakin at para may malaman. Salamat sainyo mga mommy🤗 magiging okay din lahat sa ngayon happy muna dapat kase para di madamay si baby😁

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang po sa parents. Kasi ako 1st pregnancy ko 24 na ako, may stable work and income. Pero ung sibangot ng nanay ko everytime na nakikita niya ako, di talaga maipinta ang mukha. Tapos sa 2nd ko ganoon pa din. Tapos ngaun sa 3rd waaaaah ganoon pa din. Ung mukha niya feeling ko na sakanya mang gagaling ung ipambabayad ko sa panganganak at pag papakain ng mga anak ko. Deadma nalang ako. Ayaw ko pa kastress Sanayan nalang sa reaksyon ng mukha niya. Mahirap din kasi tanggapin para sa side ng parents na malaki ang expectations sa mga anak nila. 😁 Be happy, baby is a blessing gift from God

Magbasa pa