As a mom

Nakakakaba no? Nakakakabang isipin na may virus na kumakalat sa buong mundo. Nakakakaba bilang ina kasi nagwoworry ka lagi para sa baby mo. Oo siguro dika nga lumalabas, e paano naman yung mga kasama mo sa bahay na lumalabas. Baka makakuha sila ng virus at madala nila sa bahay pag nahawa ka sure na magkakaron din ang baby mo. Paano mo sya masosocial distance sayo kung nagbebreastfeed sya sayo. Yung tipong gusto mo na ngang maligo ng alcohol oras oras masigurado lang nasafe sya pag buhat o malapit sya syo, kung pwede lang maligo oras oras. Hayyys. Sana matapos na ang virus na ito, sana gumaling na ang lahat ng meron, sana matigil na ang paglaganap, sana makahanap na ng lunas, sana matapos na ang kaba at takot sa puso nating lahat. Sana maging okay na ulit ang mundo natin. Patawad po Jesus! Patawarin nyo po kami. ?❤

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

The Lord has given our country yet another challenge for us to be united and to be strong at times like this. Hang in there momshie all off this shall pass in no time!