negative pregnancy test🥺💔

yung akala mo meron na, tapos pag pt negative ulit💔😞 kaya takot na ako mag pt kasi lagi naman negative. tapos delay nanaman ang mens. isa lang wish ko, sana bago matapos yung taon na to e bigyan sana kami nang baby🥺 kayo pano kayo nag cocope sa stress after negative pregnancy test? #TTC #TryingToConcieve #rainbowbaby

negative pregnancy test🥺💔
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i understand the pain sissy... kami we've been trying 7years after ko nakunan, then 1 year ng kinasal kami monthly nagppt ako nakakadepress...nakakalungkot everytime na negative yung lumilitaw may time na nagbebreakdown ako kakaoverthink especially pag meron kaming kaibigan or kakilala na nagaannounce ng pregnancy nila happy ako para sakanila at the same time it left me heart broken na ako wala. ultimo yung mga balita or news about sa mga abandoned babies sa tv ikinagagalit ko at kinakaiyak ko, to the point na i would ask 'Lord bakit tong mga to binibigyan mo tapos ako hindi'... my husband cheer me up, naging support system ko sya reminding me na i am loved whatever i can and i cant., i stop overthinking, umiwas ako sa mga taong pinipilit nila na dapat nagbbaby ako or yung taong nagcacause sakin ng overthinking like yung mga nagsasabing dapat ganito, dapat ganyan, mahina, bagal, yung mga nagbibigay ng constant comparison sa ibang couple na may anak na, binawasan ko ang stress by changing my environment (work as my major stress factor), more rest at vitamins, pray at exercise. now and we're happy 8months preggy with my first angel. 😊 ibibigay din yan sayo in time, pag handa kana at di kalmado. prayer and hugs..🫂 God bless your womb and your heart sissy ...

Magbasa pa
1y ago

thankyou sis!🥺 same na same tayo, lalo na dun sa mga taong nakapaligid. we lost our first baby kasi at 29 weeks due to preterm labor syempre yung expected baby namin nawala grabe ang pag prepressure nang mga tao samin magbuntis ulit kaya isa din siguro yun kung bakit na iistress ako at nag seself blame ako. btw congratulations po mommy❤️ i’m doing great na mommy me and hubby decided na mag rest muna kami sa aming ttc journey kung ibibigay talaga sya e hihintayin nalang namin. godbless mi thankyou sa advice😊❤️

kung mentally, physically maging parents dun ka pacheck up sa OB-REI (infertility specialist) para mapadali ang pagbubuntis at guided kayo. if nabuntis kana, lipat ka OB-perinatologist para makasiguro healthy ang pregnancy mo. ang ttc journey ay magastos, stressful at hindi madali.. kaya need mo ng help ng specialist. anf of course prayers, just take it easy. been there sa sitwasyon mo.. 😊 madaming ups and downs and TTC and pregnancy journey magipon muna kayo ng lakas ng loob, and faith ky God.. remember sobrang laking impact ng stress dahil pinipilit mo sarili mo mabuntis. TTc journey for 5 yrs ima proud mom of our little guardian angel in heaven and our soon to be rainbow baby(currently 16 weeks) PCos nga pala ako mula nung teenager pa ako with cervical polyps. categorized as high risk pregnancy

Magbasa pa
1y ago

yes mi thanks!🥰 sa plan sana namin i try muna namin na kami lang ni hubby pero kapag wala pa nabuo mag papa ob na kami.

nakakalungkot nga lalo na kung matagal nag aantay... pero magtiwala ka kay Lord🙏 ibibigay niya yan sa tamang panahon... sa ngayon enjoy niyo muna ni husband mo ang time niyo sa isa't isa... wag paka stress at kumain ng tama.. makakatulong din na magpaconsult sa OB or fertility specialist.. kami din matagal bago nasundan panganay ko.. 6years namin inantay si bunso... nung una monthly nag eexpect kami.. pero nung sabi namin enjoy nalang namin na 3 lang kami at nag diet ako ng bongga.. kung kelan di nag eexpect saka dumating si bunso... eto na ngayon 21mos old na... kaya tiwala ka lang at patuloy mag pray 🙏 Godbless

Magbasa pa
1y ago

thankyou mi🥰❤️ yes po. godbless you and your family🙏🏻 hindi napo kami mag eexpect kung ibibigay talaga mi hihintayin namin sya.

VIP Member

mhie wag ka pa stress. relax ka lang. Marami nako narinig na kung kelan sila nag let go sa pag try and nag paka stress free staka sila na preggy. The more na iniistress mo self mo the more the ma depress and the more ka di ma preggy. If mag do kayo itaas mo paa mo after lagyan mo unan pwetan mo kahit mga 15 minutes, pa check din kayo both ni hubby baka mahina lang lumangoy ang sperm ni hubby and baka may need kayo e take kasi minsan factor din both yung genes nyo

Magbasa pa
1y ago

yes mi after po nyan di na ako nag iisip hehe bahalana na si batman kung bibiyayaan talaga kami. nag fofocus po ako now sa sarili ko na. hindi ko na po iniisip kung ipagkakaloob talaga🙏🏻🙏🏻 btw thanku momshie❤️

hello! as someone who struggled with infertility but now has a baby. ang experience namin is nung nilet go na lang namin ng husband ko yung desire to have a baby after so many years of trying and failing. doon pa kmi bglang nabuntis. i think kasi nakkaaffect yung stress and pressure. nung di na ako stressed at pressured magkababy, doon bigla nabuntis. communicate lang po with your husband all the time para hindi mabigat ito sayo lang :)

Magbasa pa
1y ago

yes mi, nileletgo ko na🥺 dami din kasi nagsasbi kung kelan di sila nag eexpect dun pa sila nabuntis hehe. kakaisip di na tuloy dumating ang period ko btw thankyou mommy❤️

wag po pastress, take a rest po kayo ni hubby din. hayaan nyo lng po relax kayo ni hubby. ng paalaga ako sa OB ko naka 3 cycles kmi ng letrozole and fsh injections hanggang sa pinagpahinga ako ng ob ko last sept. then pinababalik nya ko ng january na. nagrest lng kmi and relax ni hubby hindi msyado iniicp. bgla ko lng naicipan mg pt last november ngpostive ako. im 6 weeks pregnant na today.

Magbasa pa

I've been there momsh. I had PCOS kaya nagpaalaga ako sa OB. Pansin ko lang, the more na iniisip mo at napipressure ka parang lalong di makakabuo. Kaya po relax lang at ienjoy nyo lang ang pag do nyo ni hubby. Kami nakabuo nung time na sinabi kong bahala na si Lord kung bibiyayaan kami o hindi. Now, we have two beautiful sons. Kaya po wag susuko and keep on praying🙏

Magbasa pa
1y ago

yes mi, hindi ko na po prinessure sarili ko after nyan sabiko kung para samin at ibigay talga ni lord sya na bahala🥹🙏🏻

8years kami nag asam ng partner ko mii ng Baby pero wala.. gang sa nag 8yrs and half kami bigla akong nabuntis mii, nawalan na talaga kami ng pag asa pero salamat sa dios biniyayaan nya rin kami sa wakas kahit sobrang nahirapan ako sa panga2nak netong nov.26 lang mii.. ok na sakin isa lang mii ta napakahirap din talagang manganak hehe

Magbasa pa
1y ago

congratulations mi, god bless you and your baby🥰🙏🏻

wag mo ipressure sarili mo, wag na wag mo iisipin na kaya kayo mag tatalik e dahil para magka baby isa kasi Yan sa nakaka stress sa inyo ng asawa mo feel the moment na hindi iniisip un.. tiwala ka lang sa itaas Ibibigay din sa inyo iyon.. nasasabi ko to kasi lahat Yan napag daanan ko na .. until binigay na ni Lord sakin.

Magbasa pa
1y ago

Totoo ito Mommy. Ganyan din ako nun tapos laging negative. Pero nung minsan nag tabi kami sabi ko meron or wala okay lang. Tapos ayun na nga. Nag positive na. Bawas stress lang.

Dati ganyan ako tuwing mag pt ako laginf negative. Hanggang sa nagsawa na ako di na ako nagexpect. Ayun Boom! Sept.2023 naisipan ko lang mag P.T kahit di pa ako delay sa mens. ko. Biglang Positive, ngayon 15W4D preggy na ako. Magkakababy ka din. Claim it! 😇

1y ago

claiming mi!☺️ congratulations po❤️ yes po mi hindi ko na po iniisip nag decide kami na magpahinga muna kung ibibigay talaga sya mag wawait nalang kami kahit gaano pa yan katagal.❤️