Palabas lang ng sakit ng loob 😔

Nakakaiyak lang, kasi nag open up ako kay partner about sa darating namin na kasal next month po, civil wedding. Feeling ko ako lang nag iisip at nagpupush ng lahat, syempre kahit civil wedding lang yung kasal, gusto ko din naman maging maayos, yung may konting salo salo or handa, food package na 6k-8k or kahit sa bahay lang venue, yung may wedding cake, kahit balloon na tig 100 sa shopee na HAPPY WEDDING, yung ganon, kahit simple lang. may savings naman din kami kahit papano. Alam ko naman na mahirap talaga ngayon, lalo na mag 8 months na din ako next month, pero nakakadisappoint lang yung sinabi niya na gusto ko ba ng mga ganyan, pandemic pa daw, and importante lang sa kanya matapos ang kasal, makauwi sa bahay at makatulog dahil sure na pagod siya pagkatapos dahil siya ang mag d drive. Matulog nalang daw kami after. Nakakasakit lang ng feeling, kasi mula sa engagement ring at wedding ring namin, ako namili at nag order mismo online, nagpakachar-char nalang ako mag picture na kunwari nag propose siya sakin kahit hindi naman. Nag sabi naman siya na mamaya na daw kami mag engrande na kasal pagbalik niya sa America, hindi ko naman kailangan ng engradeng kasal. Nakakainis lang, minsan napaka insensitive ni partner, nakakasama ng loob lang din, ilang araw na din ako palihim na umiiyak. Nakakainggit lang yung iba, nagawa ng partner nilang mag cooperate para kahit simpleng celebration maging special naman yung feeling na ikakasal kayo... #justsharing

1 Replies

VIP Member

di lahat sis mg cooperate during the planning. sya ang may gusto ng civil sis?

hello mommy, gusto po naman po niya makasal kami, lalo na buntis ako, pinaka goal din naman niya sa civil wedding is makuha ni baby ang American Citizenship na meron siya which is good naman kasi iniisip ko din naman na may magandang future si baby, at iniisip din niya un na mas maraming opportunity si baby namin pag makukuha niya ang citizenship na meron siya, kaya lang nakakadisappoint lang kasi parang yun nalang talaga naging essence ng wedding namin.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles