BM vs FM comparison

Nakakainis lang ibang tao na pinipilit ang breastmilk kaysa sa formula milk. Oo mommy, masustansiya talaga ang BM at alam lahat yan ng mga nanay pero sana wag niyo naman pinipilit yung ibang nanay na wala talagang choice kundi mag FM dahil walang gatas or kulang talaga yung supply ng BM kahit ginawa naman lahat (uminom ng mga pampagatas, latching etc). Hindi sa pagiging maarte, kahit sino naman gugustuhin magpadede kasi sino ba naman aayaw na hindi ka na gagastos sa gatas diba? Nakakainis lang kasi may magtatanong about sa FM tapos sasabihin breastmilk is still the best, i know/we know that. Hindi naman magtatanong yan kung EBF yan e. Kumukuha lang ng idea yan sana sagutin naman ng maayos.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Tama ka po Mamshie! Tsaka I think pareho lang naman po benefits nyan although mas masustansya nga BF kesa formula, di naman kailangan questionin pa yan. Ang pinaka importante naman po di natin ginugutom ang Bata. As long na napapakain natin sila since birth at di nagiging sakitin blessing na po yun. PS. 36wks na po ako & kabuwanan na din soon magiging padede Mom na din or Formula Mom 😊

Magbasa pa