BM vs FM comparison

Nakakainis lang ibang tao na pinipilit ang breastmilk kaysa sa formula milk. Oo mommy, masustansiya talaga ang BM at alam lahat yan ng mga nanay pero sana wag niyo naman pinipilit yung ibang nanay na wala talagang choice kundi mag FM dahil walang gatas or kulang talaga yung supply ng BM kahit ginawa naman lahat (uminom ng mga pampagatas, latching etc). Hindi sa pagiging maarte, kahit sino naman gugustuhin magpadede kasi sino ba naman aayaw na hindi ka na gagastos sa gatas diba? Nakakainis lang kasi may magtatanong about sa FM tapos sasabihin breastmilk is still the best, i know/we know that. Hindi naman magtatanong yan kung EBF yan e. Kumukuha lang ng idea yan sana sagutin naman ng maayos.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i agree. Like me, ginawa ko na lahat... unli latch, malunggay suplement, nagpahilot and nagpump na pero sobrang konti talaga ng nalabas na milk, ni hindi umaabot sa one oz ☹️ Di lang nila alam ang frustration na nararamdaman ko. Kung ako lang masusunod gusto ko BF para less sa gastos, bawas trabaho ang pagclean and sterelized ng mga feeding bottles and healthy talaga ang BF, pero wala akong choice. Swerte ung mga momsh na nagwork sa kanila ang unli latch and malunggay supplement. Wag sana ipamukha sa mga nag-FM na best ang nakukuha sa BF. Alam naman namin un.

Magbasa pa
5y ago

same tayo mumsh. nakakafrustrate kaya ung gingawa na natin lahat pero wala talaga eh. tas kng ano2 pa ssbhin. and yes, mas gusto ko talaga BF kasi less trabaho. maglinis at sterilize ng bottles plus bili pa ng milk every week. kaso anong gagawin eh wala talagang lumalabas? 😓 nakakainggit ung mga mommy na EBF. mapapa sana all ka nalang. 😪