My LO is crying all day
Nakakafrustrate, nakakapagod, nakakainis, nakakaubos ng pasensya.. Alam ko wala naman kasalanan baby ko dahil di naman niya masasabi ano gusto niya pero may limit din ang magulang. Buong araw iyak ng iyak LO ko. 3 hours lang tulog niya maghapon and up until now, umiiyak siya whenever we put her down. 2 weeks old palang LO ko. Any tips mga mommies? Gusto ko na magpatiwakal dahil sa exhaustion sa pag intindi sa kanya.

Normal lang na ma frustrate ka mamsh lalo na bagong panganak ka pa lang. Sabi nga nila it's okay not to be okay. May karapatan kang mapagod at mainis. Normal yang nararamdam mo. May mga babies talaga na iyakin at clingy lalo na kung breastfed si lo. Make sure na busog si lo at nag burf. Normal din sa ganyang edad na kabagin ang baby. Nag aadjust din sila sa outside world at pag karga sila dun nila napi feel na safe sila. Kung yun lang yung way para makatulog ng mahaba si lo do it. Check mo din baka nilalamig sya monitor mo temperature nya. Ipaubaya mo na lang sa asawa mo or sa pamilya mo yung mga gawaing bahay. Focus ka muna kay baby. Need mo din mag pahinga alam kong madali lang to sabihin pero mahirap talaga gawin lalo na at iyak ng iyak si lo mo. Kung may katuwang ka mag alaga kahit umidlip ka lang para may lakas ka ulit sa pag hele sa kanya. Si lo ko napaka iyakin din ayaw magpalapag hanggang ngaun na 3 months na sya ganun pa din hindi ako makakilos kahit pag ihi pag ligo pahirapan. Yung kain ko wala sa oras. Gusto nya laging nakadikit sa dede ko minsan gusto ko na syang gawing kwintas hahaha 😂 . Ininenjoy ko na lang kesa ma frustrate ako iniisip ko na lang na ngayon lang sya ganito. Mabilis ang panahon momsh baka hindi mo mamalayan na sa susunod mas gusto na ni baby sa lapag para maglaro at ayaw na magpakarga sayo. Kaya mo yan momsh. Lahat ng hirap at sacrifices naten simula nung nabuntis at nanganak tayo worth it lahat yun basta para sa baby naten dahil mas mahal natin sila kesa sa sarili naten. Yan yung natutunan ko nung dumating yung baby ko sa buhay ko.
Magbasa pa
Mum of 2 sweet little heart throb