My LO is crying all day

Nakakafrustrate, nakakapagod, nakakainis, nakakaubos ng pasensya.. Alam ko wala naman kasalanan baby ko dahil di naman niya masasabi ano gusto niya pero may limit din ang magulang. Buong araw iyak ng iyak LO ko. 3 hours lang tulog niya maghapon and up until now, umiiyak siya whenever we put her down. 2 weeks old palang LO ko. Any tips mga mommies? Gusto ko na magpatiwakal dahil sa exhaustion sa pag intindi sa kanya.

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hingang malalim mamsh..Ganyan talaga sa simula eventually magegets mo din yung cues ni baby kung bakit sya umiiyak. Wala naman instant expert on motherhood. Don't be too hard on yourself. Parenting is a continuous learning process. You deserve a pat on the back for doing a great job.

halos same here. cs pa ako, 1 month and 16 days na kami pero may times tlga na iyak ng iyak and ayaw magpalapag. pag naliligo ako un kang ang parang nakakatakas ako, me time kung baga. minsan nakaka feel din ng frustration, pagod at puyat. this too shall pass ika nga.

Magbasa pa

Hi mommy, same feeling kapag di ko napapatahan ang baby ko. Usually gusto kase ng mga baby natin ang warmth ng katawan natin kaya madalas gusto nila buhat lang sila. Try nyo po manghingi ng help sa mga relatives nyo po. Mahirap po pero malalampasan din po natin to ☺️

ganyan din ako sis.. saglit lang ang tulog ko sa buong araw kc c baby iyak ng iyak , lalo na sa gabi.. buti na lang kapag and2 biyenan ko kinukuha c baby at pinapatulog muna ako kaya kahit papano nakakabawi ng tulog kahit saglit.. 3weeks old pa lang din baby ko ngayon

Magbasa pa

same ganyan dn si baby. nung 1'2'3'4'weeks oo nkaka irita pero iniisip ko kung bkt sya umiiyak.dinanas ko na ntutulog ako na pangko ko ung baby ko halos isang buwan ganon setup nmin.tpos mga morethan 1month ntutulog nman sya sa tiyan ko.pero now sa side ko nlng

Same here.. My LO is already 1 and half month, may time na sobrang wala nko tulog dahil iyak sya ng iyak at ayaw magpababa.. Hanggang aabutin n kmi ng umaga.. Grabe sakit sa ulo ng antok.. Pero after nun makakatulog na sya.. After ilang padede at hele..

gnyn dn baby ko when he was a newborn. gnyn sya hngng 3 months 😂 be strong na lang po. ask help nlg if ever you have relatives around or sa husband nyu po pero in the end ikaw pa din magpaparamdam ng love and security sa baby nyu po :)

More more patience momsh. Baby ko mag 2 months old palang..may time na puyat na puyat ako tapos kinabukasan maghapon sya umiiyak at ayaw magpalapag. May time na 4pm na ko nakakapag lunch dahil naaawa ako kay baby pag sobrang iritable sya.

growth spurt po. every week nangyayari ang growth spurt sa newborn. extra care talaga need ng baby pag ganyan.. kung kabag naman i love you massage at bicycle massage lang. wag lalagyan ng manzanilla kasi matapang un prone sa pneumonia.

same to u experience ko na Rin Yan sa panganay at pangalawa ko, almost 2months na walang tulog at pahinga pero after that ok na, maayos na tulog namin mag Ina, ganon po talaga Ang mga baby, kailangan mo Ng mahabang pasensya.