My baby sleeping pattern

Hello mga mommy , first time mom ask ko lang po yung 4months old baby ko ang weird kasi ng sleeping pattern nya these week. Noon kasi inuumaga lang kami matulog, ngayon umaga na talaga kami kung matulog like 8am yung umaga yung nagiging gabi kaya yung dapat tulog nya ng tanghali sa gabi nya na nagagawa tas yung tulog naman ng hapon sa madaling araw naman. Noon kasi umaabot lang kami ng 4-5am bago sya matulog ngayon grabe tirik na yung araw matutulog palang kami. Sinasanay konaman na din sya matulog ng patay ang ilaw sa gabi para alam nyang gabi na pero dahil nga gising sya ayaw nya matulog wala akong choice kundi iopen. Normal po ba to or hindi normal pero ok lang kasi nag iisleep pa din naman sya? maling oras nga lang 😅😅

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa akin simula nung nag 3months siya sinanay ko na siya na pag madilim na dapat tulog na. sa umaga pinapagod ko siya mag laro, gigising siya ng 6am tapos lalaruin ko lang siya hanggang sa antok na antok na siya. matutulog siya ng 8 or 9 am tapos isang oras lang yun tulog niya. tapos next tulog niya 1pm na kasi maingay na sa bahay pag patanghali na, sa hapon medyo may katahimikan. 4pm gising niya tapos lalaruin tapos ipiplay ko si Ms. Rachel kasi favorite niya yun tapos 7pm tulog na siya tuloy tuloy na yun. sa madaling araw nagigising lang pag gusto dumede.

Magbasa pa
3mo ago

ganyan din minsan si baby ko. nilalabanan ang antok. mag dimlight kalang sa gabi momsh. wag masyadong bright ang ilaw

try mo mi i adjust wake time nya Like onti onti nyo pong baliktarin sleep nya . If 8am po sya natutulog try nyo po putulin nyo po ng 2hrs or kayo bahala Then laruin nyo sa umaga . sa gabi wag masyadong laruin patawanin or harutin Try nyo expand yung comfort nya pag nagising ihele or isooth ulit para makatulog ulit . tapos bilang lang po kayo ng oras ng tulog nya mahalaga mapasok po sa 12 to 15hrs po ata na sleep.

Magbasa pa

bawasan ung kape mi, if nagkakape po kayo, nung ako kasi napansin ko kada inom ko ng kape nagmumuryot at di makatulog si baby ko, nung tinigil ko kape ko ayun nagnormal na sleeping pattern nya

3mo ago

hindi po ako nag kakape mi

Same tayo 😭 ito na ata yung 4 months sleep regression na sinasabi nila

3mo ago

normal daw po kaya ito? 😅