doktor

naka ranas n po ba kyu na ipahiya ng dortor sa harap ng ibang mommy. ako kanina lang ning nag pa check up ako ang lakas lakas ng boses nya kaya nak tingin smin lhat .grabe n ang pawis ko at tumitigas n ang tyan k sa kc naiiyak na ko. tinwag nya apelyido ko kya lumapit ako.nung magkaharap n kmi sbi nya 8 mon.n daw tyan k eh sbi k 7 mon plang nmn tyan ko.sbi ng doktor sken mag marunong pa daw ako eh kinukumpute daw nila ang una at huling regla.pina divide pa sken 32Γ·4 ilan daw sbi ko 8 .sbi ng doktor o ilang bwan n tyan m sbi ko ulit 7 .pinukpok nya ang mesa kc 8 n nga daw tyan ko.tpus nun sbi nya mag pa ultrasound daw ako ulit kc 8 mon.na tyan k dpt daq before 12 naka balik na ko.nung nilalagay na nya ang pangalan sa recq.n ultrasound ibng pangalan nilagay hnd name ko.kaninong name un sbi ng doklc.di m ba alam pangalan m.lobat na yang utak m lobat pa cp m.sbi ko di ko nmn po pangalan yan .sbi ng doktor eh anu bang pangalan m kaya snbi k pangalan ko.nung malamn laman nya di pla sken papel ung hawak hnd nmn un ung record. sbi pa ng doktor.bat ka lumapit sken sbi tinwag nyo po apelyido ko eh.tapus ibng papel nmn kapit nya.. nkakahiya at nakatingin smin lhat ng mga mommy dun.nung malamn lamn nya sya naman ang mali pinahiya nya lang ako.nung nakita nya ung totoong record ok nmn daw lahat tpus binigyan nya lang ako recita ng vit. anu ung ginwa nya sken pag papahiya ganun lang un.halos maiyak n ko kc 7mon. nmn tlga yan ko.ang tigas ng tyan k at nag halo halo n imusyon anjan n ung hiya .ung kaba at takot???

122 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa experience ko mommy manganganak na ako nun sa public hospital kasi un malapit sa bahay ng asawa ko grabe sabihan b naman ako na di pa ako manganganak ayaw ako i admit nun kasi daw wala sila record ko sa private kasi kami ngpapacheck up pareho kasi hectic sched namin kaya gnun tapos nkuha namn records ko kaso ung last UTZ ko ksi wala dun sa records ko kaya un ang lakas ng boses nya na sabihin na di pa ako manganganak nagalit asawa ko sinabi na i admit na ako at un nga makalipas ng mag 1oras inadmit nya ko wala pang 20 minutes na papunta kami ng OB WARD pahiga pa lng ako sa bed pumutok na panubigan ko at ng IE ako ng nurse nasa 6cm na ako kaya un pinasok na ako sa delivery room bago mag 6 ng umaga nanganak na ako 2am kasi ngbalik ng punta na kmi ng hospital ng asawa ko pero 9 pm unang punta namin kasama ko mama at papa ko pero ang paulit paulit nya sinabi di pa ako manganganak kaya un sbi ko uuwi nalng kami πŸ˜“πŸ˜’

Magbasa pa

Hindi po doctor kundi midwife ang nagpapahiya sa aming mga mommies.Kaya nong kasama ko asawa ko pag papacheck up na sabi ng midwife bawal ang mga lalaki dito don lang sa labas pero may mga lalaki naman sa ibang side at napaka raming tao talaga.Ang naisagot ng asawa ko sa midwife pag ba may nangyare sa asawa ko aasikasohin nyo ba eh yung nangangak nga dyan hinahayaan nyo lang.Hahahahaha kaya naman napailing ang mga tao sa harapan at gilid sa amin na ang sabi nila Oo nga naman may point naman syaπŸ˜πŸ˜πŸ˜πŸ€—πŸ€—. Kaya wag po kayo pang hhinaan ng loob na mag salita kasi masasanay ang mga yan at kelangan prangkahan na kong prangkahan basta di kayo matatapakang taoπŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» P.s Sa mga nurse or doctor,midwife sana naman po wag nyo ginagawa ang mga bagay na ikakapahinga ng mga pasyente nyo sa inyo πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ˜‡

Magbasa pa

Pwede ka sumagot sa ganyang klase ng doctor sis. Ako din naganyan ng first ob ko. 20 lang kasi ako nung nabuntis at sinabihan ba naman ako na walang kwenta mga magulang ko kasi pinatawad daw ako agad. Kasi nagtanong sya kung nagalit parents ko ang sabi ko, nagalit sila pero pinatawad din ako. Aba ang lokang doctor akala mo sya ang nanay ko. Kaya hindi ako nakapag pigil at sinagot ko rin sya. Tinanong ko kung ganon ba talaga sya ka unprofessional sa trabaho at kailangan manghimasok sa buhay ng iba. Hindi ko sya binayaran at umalis ako agad. Kakapal ng mukha ng mga ganyang doctor. Ikaw na magbibigay ng pera, ikaw pa aasalan. Kaya ayoko na sa matandang ob kasi matataray. Dalawang beses ako lumipatπŸ˜‘

Magbasa pa
5y ago

Nako te dapat sinagot mo. Kaya mga ganyang doctor malalakas loob kasi feeling entitled sila at hindi sila sinasagot ng patient. Sakin hanggang paglabas ko binalibag ko pa yung pinto. Kasama ko asawa ko na bf ko pa lang that time. Sinabihan nya rin na wala akong karapatan tawagin na asawa yon kasi di kami kasal. Nakakagigil mga ganyan mamsh. They don't deserve our respect.

Naku... nakakasatisfy sana ang story mo kung nilakasan mo ang boses sabay sabi... "Nag gagalit-galitan kapa jan ikaw naman pala mali!" sabay walk out. Buset! Kaya may bad image talaga sakin ang mga ospital and mga doctor.. ayaw ko talaga jan as much as possible kasi, not all tho pero kadalasan, mga arogante kasi and laging money down na napaka mahal up to the last cent... Hanga ako sa pasensya mo. One time, na diagnose kasi ako na may early onset ng fatty liver... sinabihan ba naman ako "Early pa to pero mamamatay ka rin dahil dito." Buset lang talaga! Di na ako bumalik sa same na doctor.

Magbasa pa
VIP Member

Pag public hospital ganun siguro talaga treatment nila. Ganun din kasi sakin e. Kailangan lang natin magtiis at unawain sila kasi mas pagod sila kaysa sa mga private OB. Ako yun na lang iniisip ko para maiwasan ko magtaray. Natatakot kasi ako na baka ireject nila ako, sayang yung mga pinaghirapan kong check ups. Lalo ka na 7 months ka na, alam mo naman mga ospital ngayon pag walang record sa kanila di ka nila tatanggapin. Tiis tiis lang mommy. Bukas nga alam kong mapapagalitan ako kasi di ko sinunod yung pinapainom sa aking gamot for UTI dahil ayaw ng mama ko, takot sa antibiotic. Hayss bahala na. Hehe

Magbasa pa
5y ago

oo nga po tiis lang kaylangan..para sa baby mag ttiis at mag papasenxa

Bobo pala yang doctor na yan eh. Ako sis dito sa lying in sabi nung nagchecheck up 15weeks raw ako. So dinako nagsalita pero iniisip ko parin kaya sabi ko "Ate, ilang weeks napo ulit ako? Alam kopo kasi 16weeks nako bale 4months napo ako ngayon." Pinaglaban ko kaya inulit niya ung bilang, tama naman pala ako. Pero di naman sya nagsisigaw malambing pa nga boses nya eh. Alam mo sis dapat ang ginawa mo , nereklamo mo. Pano pag nastress ka dyan edi kawawa kayo ni baby. Naku mga doctor nga naman talaga oh! Ang yayabang porket matataas! πŸ€¦πŸ»β€β™€οΈ

Magbasa pa
VIP Member

Magagalit ako para sa pagpapahiya nya. Pero I let it go nalang. Lalo na't wala akong pakelam sa iniisip ng ibang tao. Mas iintindhin ko sarili ko at yung baby ko. Hindi ko kailangan i-clear sarili sa mga taong di ko naman kilala. And better to change nadin ng OB. Maybe pagod lang din si doctor, kasi hospitals nowadays,madamimga buntis at manganganak, dahil ibang hospitals are closed at hindi tumatanggap ng ibang patient bukod sa covid, pum at pui. Kaya madami dami din ang nagpapacheck up.

Magbasa pa

Ganyan din sa public samin. May isang mommy naman na sa private hospital nagpapacheck up then lumipat sa public, ang sabi ba naman ng ob eh bakit daw siya nandun, public daw yun. Tapos di pa inayos, wala mahanap na heartbeat eh 5months na yung tiyan. Tapos sakin naman, first check up 3 months tiyan ko wala man lang ibang ginawa, nagreseta lang ng pang uti tas binentahn ako ng folic acid na 300php eh libre pala yun sa center. Kaloka. Lumipat ako sa lying in kahit ftm ako. Best decision ever.

Magbasa pa

Ako meju nakaranas din kasi crying preggy ako maxado emotional maliit na bagay naiiyak ako kht nga e congrats lang ako sa pagbubutis emotional na cry na...taz ng 1st check up grabe ang doc kc nag nag request ultra sound sabi ko doc pwd po ba ang vaginal ultrasound para sa sss maternity ko yun daw po ang need ipasa i adominal ultrasound ata ang binigay nya dami satsat bakt daw mas gusto ko ang sa pwerta gid ei lahat daw kht anong ultrasound naman pwd damay pa kwento mga mommy na kasabay ko

Magbasa pa

nyee grabe naman yung OB na un may pinah aralan nga pero bastos. dapat maging friendly sila se buntis ka sis para naman sya ndi babae nun at di naisip mararamdaman mo hays.. kung may pagkakataon palit ka nlng OB sis may iba kase na kahit gaano katoxic ang trbho marunong pdin makisama pero mas marami yung dahil sa pagod e madali mag init ang ulo. Pero sana nung nalaman nyang sya ang may mali edi sana humingi sya ng paumanhin sayo hays ipagpray mo nlng dn sis wag kna magpakastress dun

Magbasa pa
5y ago

oo nga po ipapadasal k nlng medyo matanda n kc.bka pagod lng un kc madami kming nag pa check up 70 kming buntis