โœ•

130 Replies

Inihaw na manok. ๐Ÿ˜‚๐Ÿคฃ Oct. 28 due date ko, ready na sana akong mag-normal kaso no signs of laboring pa daw, then nakita sa ultrasound na may cord coil. Pinainom ako ng pampahilab at pampabuka for 3days pero no effect, induce labor na sana. But Oct. 31 7:30pm kumain pa ko ng marami kasi inihaw na manok ang ulam๐Ÿ˜… tapos 8pm matutulog na ko biglang pumutok yung panubigan ko, walang hilab, kalma lang. Dami pang problema kasi hindi nag-aaccept ng emergency cs sa public hosp. ng wala daw akong record, need daw nila na ipag-normal daw ako before mag-undergo ng cs, ang problema e hindi nila ma-guarantee ang safety ni baby habang naghihintay na manormal ako. So no choice humingi na lang kami ng referral at naghanap ng ibang hospital from bulacan to pampanga na narating namin. Private hosp na nag-aaccept ng emerg.cs. Nov.1, 12:43am safe na nailabas si baby. walang hilab pero natakot akong tumayo tayo at lumakad kasi feeling ko mauubusan ng water si baby ko kapag ganun. Halos ma-dry na buti na lang talaga at walang naangyari sa akin kasi nakakain ako before ma-cs, at safe din si baby. Thank you Lord.

sa panganay ko(2012) wala talaga laman ang tyan ko. OMG super gutom..5:30am iihi lang sano ako kaso pagtayo ko pumutok yung panubigan ko, so naligo ako at nagbihis, ginising ko yung asawa ko sinabihan ko na manganganak na ata ako, pumunta ako sa kitchen nagtimpla ako na milk iinumin ko sana para mainitan lang ang tyan ko lumabas na pala yung asawa ko(nagpanic)at tumawag na ng taxi so ayun di ko na nainom yung milk,(parang nagfasting ako)pumunta na kmi agad sa hospital,na admit ako 7am tas nanganak ako 4pm..But thanks God binigyan ako ng lakas para mailabas si baby ng normal and healthyโค๏ธ

nako mga momsh advice ko lang po kumain po kayo ng normal bago manganak.. ako kasi non konti lang kinain ko.. tinapay lang. induced labor po ako. pagpunta namin hospital diretso admit na ko. bawal na kumain. grabe gutom na gutom na ko.. imagine mahigit 24hrs ako iniinduced para sana normal si baby. hindi humihilab kaya CS ang bagsak ko. after that di pa dn pwede kumain.. super gutom na ko talaga non. naaawa na si hubby sakin.. tapos lugaw pa ang first na pwd kainin.. kea sabi ko kay hubby next time kain muna tayo masarap bago ako manganak ha? ๐Ÿ˜…

yung gutom na gutom ka na.. tapos need mo pa maglakad lakad at magsquat para bumaba na si baby at hindi maCS.. ayun, CS pa din ako.. feeling ko nagprotesta yung anak ko.. dahil gutom na kami.. ๐Ÿ˜…๐Ÿ˜…๐Ÿ˜… buti nalang after ko manganak nakapoop agad ako.. pinilit ko talaga alang alang sa food.. tapos pagdating lugaw lang.. isip ko eto lang? e sa gutom ko kaya ko mag eat all you can ng 4hrs.. ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ#gutomisreal

Di kasi natin namamalayan kung ano oras tayo manganganak e. Tulad nalang nung sa panganay ko natutulog pako ng bigla akong nagising bandang alas 4 ng madaling araw ng may lumabas na tubig sa pwerta ko.. Tinakbo nako agd sa hosp. nun tapos ang kinain ko lang nun isang cup na lugaw tapos puto 2 piraso.. After nun nawalan nako ng gana kasi naglalabor nako.. tapos 8hours akong naglabor imagine mo un 8hours ka naglabor ni kahit uminom ng tubig bawal..๐Ÿคฆ After ko manganak nun nung nasa ward nako sobrang gutom na gutom ako.. Napadami ung kain ko nun.. ๐Ÿ˜…

Sa first baby ko halos lahat ng meal ng jollibee kinain ko. 37weeks inultrasound ako nakita breech and cord coil si baby kaya di pdng inormal nasched ako ng cs kaya bago ko macs lumapang muna ako ng bongga.. Sa 2nd baby ko naman sobra ako nagutom kasi pinagdiet ako ng ob dahil mataas yung sugar ko so konting konti lang talaga yung kain ko 1cup rice sa umaga, half sa tanghali then no rice sa gabi. sched ako cs 2nd week ng june kasi katapusan pa ng june due ko pero may 29 around 3am nagising ako iihi pagtayo ko pumutok na panubigan ko.

VIP Member

hindi na nga ako nakakain ng agahan nun. saktong kulo nung kanin na niluluto ko humilab na tiyan ko. tawag agad kami sa OB ko tapos pinapapunta na kaming ospital. deretso delivery room 10:05am lumabas na si baby. alas dos pako nakakain, sa sobrang gutom ko gusto ko sana mag 2 cups ng rice kaso ayaw ni hubby hahhaa. kaya kada alis niya yung mga tinapay nilalantakan ko๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚ normal delivery po pala ako

BIRYANI luto ni husband for dinner๐Ÿคค dinala ako sa hosp ng 4am kasi parang sumasakit na yung tiyan ko ng kada 15mins pero yung sakit nya para lang napo-poop hindi pa ko nasasaktan. 3-4cm palang daw ako nakakalakad pa ko. then 8am 5cm dun palang talaga nag start yung strong contraction. after nun sunod sunod na sakit 11:12am baby's out na.

VIP Member

pizza pero lunch ko yun a day bago ako manganak kasi dinner d na ako kumain kasi masama pakiramdam ko tapos 4 am dinala na ko hosp kasi ng bleeding ako.tapos 12pm nun pinayagan ako kumain kaso wala ako bantay wala food ๐Ÿ˜‚ pag dating nang bantay ko may dala siyang food kaso bawal na kasi emergency cs na daw ako ng 6pm๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

sa first baby ko antakaw takaw ko .. kaya amg laki laki ng tiyan ko nun .. but thank God kasi normal delivery ako nun .. tapos sa second ko pinag diet ako ng ob ko kasi ang bilis tumaas ng timbang ko sobrang hirap kasi 1/2 cup rice lang kinakain ko nung dumating nako sa seven months ..

Gusto ko pork sinigang & milk ๐Ÿฅ› Sana bago ako maglabor sa 1st baby ko ,at pglabas ko Ng ospital pg uwi ko ng bhay pork sinigang parin gusto ko i-ulam๐Ÿ˜ fav. ko kc๐Ÿ˜„.. 36 weeks & 3 days na tyan ko Peru bka di umabot sa due kc tagtag na..at panay tigas..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles