198 Replies

Nais kong matutunan at maituro din sa aking asawa at anak ang tamang paghandle ng finances namin. Sa totoo lang mahirap ang magbudget sa kasalukuyan kahit parehong may trabaho dahil sa pagtaas ng mga bilihin. Paglaki nya gusto ko matutunan din nya kung paano pahalagahan ang perang kinikita at ilaan ito sa mga tamang bagay tulad ng pag-invest, pag iipon at pagbili lamang ng mga bagay na talagang kailangan sa pang araw-araw na buhay. Bilang isang nanay mahalagang tungkulin natin na maturuan ang ating mga anak ng tama, tamang asal, tamang pagkilos at tamang pag gamit ng pinansyal. Totoong "Money can't buy us happines" pero, kung ilalagay natin ito at matutunan gamitin sa tamang paraan it could save us from starvation and sickness, kaya bata pa lang dapat educated na din sa finances. Gusto ko natutunan kung paano ang tamang strategy sa pagtuturo ng financial literacy sa anak at sa buong pamilya.

I am a new Mom and ever since i gave birth to my 6 months old only baby, i quit my job and started budgeting the money my husband is getting from his weekly salary. Though its been 6 months now, i am not use in managing the money from the most priority to least. What i only think is to provide only the needs of my baby, his diaper, wipes and vitamins. And also, to always keep an emergency fund for him. After his needs and fund, i dont know what anything else i should prioritize. Should i buy him this baby sopa, i think he needs it, or should i buy him a walker already, should it be a brand new or not.. Those questions. Or should we use an aircon or just a fan and a humidifier? All my options and choices will all do him good but what should i prioritize? Because i have a dilemma that there is more important than those things but those are still important, am i right? ✌️☺️

VIP Member

Yung parents ko, sobrang napaghandaan nila ang future naming magkapatid financially. I can say na sila ang role model ko. They are both insured, with life plan, etc. One thing na gusto kong matutunan lalo ngayong nagkaanak na ako is how to be financially responsible and successful. Yung tipong secured ang future ng baby ko at wala na siyang ibang iisipin in the future kundi siya at magiging pamilya niya. Gaya nga ng sabi ko, my parents have become my role models and lahat ng nagawa, ginawa at ginagawa nila ay gusto ko ring maiapply sa munting pamilya ko. As early as now, gusto ko rin matuto ang anak ko maging responsable hindi para sa amin kundi sa magiging pamilya niya rin. Iyon na siguro ang isa sa magandang maiiwan namin sa future niya 🥰

VIP Member

Bilang isang ina malaking bagay na maturuan natin ang mga anak natin how to handle money in their young age. Maging masinop at alam dapat nila kung ano ang mga pangunahing pangangailangan nila rather than sa wants nila. Though, dadating pa din ang time na they want to buy their own wants or things na mga gusto talaga nila. But... depende pa din sa magulang how they teach their child/s to be discipline when it comes to money. Bilang ina gusto kong may pondo/savings na para sakaniya, hanggang sa kaya na niyang magtrabaho para sa sarili niya. Responsibilities pa din natin sila for lifetime and we need to assure and secure their future. Teach your child to be grateful and contented first, before teaching them how to handle money.

💝

Ang edad ko ngayon ay 23 yrs old. Marami na akong loan (cooperative, company, motorcycle at iba pa). Ang dami ko ng binabayaran. Pagdating sa sweldo binabayad ko nalang sa utang lahat. Every month may check up kami ni baby na hindi bababa sa 3k kasama na ang vitamins at antibiotic para sa aking UTI. Meron pang tubig at kuryente na binabayaran. Kailangan din kumain kami ni baby ng healthy foods hindi ako pwede sa manok, itlog, at ibang gulay kasi nahihirapan akong huminga. Ang pina ka challenging sa pag budget ko ay ako ang panganay sa apat na magkakapatid silang tatlo ay nag aaral ng college, tapos nahihiya na ako sa mga magulang ko kasi wala na akong naibibigay sa kanila. Ang hirap talaga mag budget.

VIP Member

Isang mapagpalang araw po sainyo mga ka Momshies! Pag dating sa pera or financial literacy nais ko po matutunan kung paano ang tamang pag hawak, pag gastos at pag iipon. naniniwala ako na dapat saatin mga magulang ang simula ng karunugan pag dating dito para maituro natin sa ating mga anak kung paano gamitin ng maayos ang pera. Lalo na sa aking karanasan ngayon, first time mom at ako lang ang nag tatrabaho at nag ne-negosyo para sa mga gastusin sa aking anak , pang araw araw at sa mga gamutin ng Asawa ko na may karamdaman (Dialysis Patient at hindi na makalakad). Alam ko na marami pa ako na dapat matutunan, tamang pag budget and makapag ipon pa para sa aking anak. Maraming salamat - Mommy Jhoana

1st time mom po ako at aware po ako na marami pa po akong dapat matutunan hindi lamang sa pagmamahal at pag-aalaga kay baby kundi pati na rin sa pagiging wais pagdating sa pamimili ng mga pangangailangan ni baby. Bilang 1st time mom, marami po akong plano para kay baby pero mahirap tupdin lalo't kulang sa budget or sadyang hindi lang po talaga ako marunong mag budget 😂 For sure maiintindihan ako ng mga 1st time mom din na kagaya ko. Soon pag laki ni baby pagsisikapan ko na matutunan nya kung papaano ang tamang pag iipon or pag handle sa pera 😊 Sana po ay palarin na mapili para mas magkaroon pa po ako ng kaalaman at maituro ko po ito ky baby pagdating ng panahon. 😊❤️🙏

Hello po. I’m 6months pregnant po with my second baby. This topic is appropriate from the situation I handle today. Since yung asawa ko po ay hindi naman regular ang trabaho, minsan dumadating na marami kaming pera minsan walang wala talaga. gusto ko matutunan yung pagsesave ng money for the future. Pag may pera kasi kami as in nasasaidan kami. So ang mangyayari, utang dun utang dito. If i can learn to save sa panahon sigurong gipit kami may madudukot ako. And off course I want my child to learn that, napakahirap ng walang ipon, hindi naman lahat ng lalapitan mo meron rin. at the end of the day family mo lang rin makakatulong sayo lalo na sa usaping pera. yun lang po. salamat.

dahil sa pagputok ng oandemya.. apektado ang mga negosyo ngunit unti unti n tayong bumabangon.. as a mother of 3 gusto ko matutunan ang tamang pag manage ng pera at higit sa lahat kung paano ito mas mapapalago pa.. hirap ng buhay ngayon at talagang need mag doble kayod kaya nga khit na kasagsagan ng aking paglilihi at kahit pinayuhan ako ng aking ob na mag bedrest d ko magawa.. maliit lamng ang kita naming mag asawa at d ito sumasapat sa mga bayarin at gastusin..kaming mag asawa ay kapwa mananahi dito sa aming bahay.. at malaki g tulong kung isa ako sa mapipili..pra sa aking pangatlong anak na isisilang at ora sa kinabukasan nilang magkakapatid.

VIP Member

Bilang first time mom gusto mo matutunan kung paano mag budget pag may pamilya na kayo. Naalala ko nung dalaga at binata pa kami mag asawa. Ang dali lang. Bilhin mo gusto mo umalis kayo pumunta kayo sa kung saan gusto niyo. Ngayon mommy and daddy na kami. Iba talaga 6 months na si baby pero nahihirapan pa din kami sa budgeting. Yung dating hayahay ngayon hindi alam kung pano ang tamang budgeting at ano ba talaga ang mga dapat kay baby? Minsan na ooverspend kami. Minsan naman feeling ko tinitipid namin si baby. Gusto ko matuto ng tamang pag handle sa pera. Para kay baby. Tamang pag handle ng pera pag pamilya na ang usapan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles