Ano ang gusto mo matutunan pagdating sa usapang pinansyal?

Nais mo bang magpalaki ng anak na wais pagdating sa paghahandle ng pera? Mag comment at maaari kang manalo ng freebies mula sa Saffi Squirrel!

Ano ang gusto mo matutunan pagdating sa usapang pinansyal?
198 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hindi ko kinakahiya na lumaki ako sa mahirap na pamilya. Naalala ko pa yung mga ginagawa ko noon para lang may pambili kami ng ulam, mag pambili ng gatas ang mga maliliit na kapatid ko at may pambili ng bigas. Napagsasabay kong rumaket at pagbutihin ang pag-aaral ko noon. Ito ang nagiging stepping stone na kwento ko ngayon kay Gien. Natutuwa akong lumalaki sya na nakikilala ang halaga ng pera sa mga pangunahing pangangailangan lamang. Kaya naman habang sya ay lumalaki, ginagabayan at tinuturuan ko syang maging wais at masinop pagdating sa pagmanage ng pera. Sa ngayon, mayroon syang savings account. Lahat ng mga binigay ng mga relatives namin, kaibigan, ninong at ninang na cash, pinunta namin lahat doon. Maski mga barya barya lang, hinuhilog namin doon. Mula nong maisilang sya hanggang ngayon, naiipon sya at lumalaki. Kada may nag aabot ngayon, sinasabi nya sa akin na pambili daw nya ng gatas. Kapag nasa grocery naman kami, natutuwa ako dahil hindi sya palaturo at nagtatantrums sa mga nakikita at gustong makuha. Proud akong ibahagi na lagi nyang tinatanong kung "Mamang, mabalin ta gatangen atoy?" (Mama, pwede natin bilhin ito?" At the age of 2, ang alam nya sa pera ay pambili sa mga kailangan/nakikitang gamin nya. Gaya ng gatas, diaper at biscuits. Kaya naman hindi ko pinapalampas na gabayan sya at turuan habang lumalaki kasi alam ko at naniniwala ako sa magandang dulot nito sa kanya habang lumalaki. Malaking tulong ito sa kanya, at nas magiging interactive at mas mawiwili sya sa pagiging masinop na bata 🤗

Magbasa pa

Sumali ako sa kagustuhan ko na matutunan ng anak ko kung papano magpalaki ng anak na wais sa pagdating ng pag handle ng sariling pera. Habang maaga pa at nasa stage pa sya ng puro laro mainam na matutunan nya ang kahalagahan o pagpapahalaga sa pera ng sa gayun hindi lang para sa kanyang ikabubuti kundi para na rin sa magiging sibling nya. I am about to give birth and in 2days I will become a mom of 2 via CS. Magmumula sakanya na matuto at maibahagi nya sa kanyang kapatid ang pinansyal na aspeto sa pamumuhay. Dahil binabalik na namin mag asawa ang umuwi ng probinsya para kami na ang magpapa tuloy nung negosyo na naiwan ng yumao kung ama kamakailan lamang. Dito nila higit na mai-apply ng mga anak ko ang pagpapahalaga at pamamalakad sa usaping pinansyal. Nasa edad na rin kami ng asawa ko na nasa early 40's na at maliit pa ang panganay namin na nasa 8 taong gulang pa lang at ang kapatid nya ay isisilang ko pa lamang. Kaya higit na dapat nila mapag aralan ang pagiging masinop sa buhay lalo sa usaping pinansyal. Ngayon palang maswerte na ako at nabasa ko itong topic galing sa Asianparents. Mabuti nalang at na install ko ito months ago at marami na ako natutunan at matutunan pa. Katulad nito. Maraming salamat po Asianparents. Godbless sa mga nasa likod nito at namamalakad.

Magbasa pa
VIP Member

Bilang nanay na galing o laki sa hirap, God knows how hard I'm working para maprovide LAHAT ng needs at hopefully mga wants din ng unico hijo ko. Ayokong maranasan nya yung mga hirap na naranasan ko nung bata ako. Like, naranasan ko ma-stop ng 5 years kasi di kaya yung tuition, yung walang pambaon kaya ngayon pa lang kinuhanan ko na yung anak ko ng educational plan para pag-aaral ng mabuti na lang iisipin nya paglaki nya. First time mom ako kaya siguro naman maiintindihan nyo kung sasabihin ko na minsan di ko maiwasan na ma-spoil sya (expensive food, toys, baby wears, travel etc.) pero ganun pa man, I also make sure na may savings. At yun ang gusto kong matutunan ng anak ko sa usapang pinansyal. Na walang masama na ienjoy mo ang katas ng pinagtrabahuhan mo, to invest in what makes you happy, wise and peaceful, that it's okay to spend money for lifetime memories and learnings, to give something for people you love PERO MAKE SURE NA MERONG NAITATABI. Na he should live within his means. Spending and saving could be both done at the same time, di nya kailangan mamili ng isa o ialis yung isa, basta dapat tamang kontrol lang, anumang sobra masama. I want him to grow up financially literate but happy, contented and peaceful. 💙

Magbasa pa
Post reply image
TapFluencer

Ang gusto kong matutunan pagdating sa usaping pinansyal ay ang tamang pag hawak nito. Lalo na sa pag nenegosyo kung paano palalawakin ang maliit na puhunan pero hindi kalakihan ang tutubuin, gusto ko kasi yung abot kaya ng mga mamimili pero kalidad. Maraming beses na kong sumubok mag umpisa sa maliit pero hindi ko na napapalago, marami naman akong buyers pero hindi ko mahawakan ng maayos dahil kapag nangangailangan dun din kumukuha sobra pa sa ipinihunan ang nakukuha ang ending nahihinto. Sapat naman ang kinikita ng aking partner. Pero pangarap ko talagang maging Negosyante at magkaron ng maraming asset, investment hindi para ibigay lahat ng luho sa mga anak ko kundi makapag ipon sa kinabukasan nila gusto ko parin na maranasan nilang hindi madali ang buhay at dapat pahalagahan ang salaping ipinahiram ng Diyos sakanila. Tsaka na ang luho kapag 10x na ang bumabalik samin kesa sa lumalabas sa aming bulsa. Gustong gusto ko talaga mag negosyo, alam kong hindi pa sa ngayon dahil maliliit pa nag mga bata at walang mapag iiwanan but i know soon in Gods perfect time. Kaya sana habang nasa waiting season pa marami na kong matutunan para kapag na sa tamang oras na handa na ko.

Magbasa pa

Ang gusto kung matutunan ng aking anak at ako, pagdating sa usapang pinansyal ay wais sa pag gastos ng pera. Una ang pagbubugdet kelangan sa pagbubugdet, ung mga kelangan lang natin sa pang araw araw ang ating bibilhin o gagastusin gaya ng pagkain. Iwasan natin bumili ng mga bagay na hindi naman gaanong kelangan. Mas importante ang ating needs kaysa sa wants natin. Pangalawa, Pagtitipid, Sa pagtitipid di mo naman kelangan tipirin ang sarili mo. Mag tipid ka na sa lahat wag lang sa pagkain. Kasi ang pagkaen kelangan natin yan, kelangan ng katawan natin. Dahil dito tayo kumukuha ng lakas ng pangangatawan. Magtipid tayo kasi di lagi ng pagkakataon ay meron tayo mag time na meron at may time na wala. Kaya matututo tayo na mag tipid para sa panahon na tayo ay walang wala meron tayo maidudukot. Pangatlo, ay Ang Pag-iipon, Pag nag iipon tayo dapat may nakalaan kung para saan para may goal tayo kung saan ba ito gagastusin. Ang kahalaga den ng pag iipon e pag may biglaang emergency e may maidudukot ka. Be wise when it comes to financially yun lamang po ang gusto kung matutunan ng aking anak syempre at ako den pag dating sa pinansyal. Maraming salamat po !

Magbasa pa
VIP Member

yes naman po bilang isang bagong ina alam ko madami pa akong dapat matutunan gaya nalang ng kung paano ang tamang paghahandle sa pera upang makapag-ipon din kami dahil mabilis lang lumaki si baby gustong gusto ko po maprovide lahat ng needs nya kaso ung iba hindi talaga namin kaya 😢ang sakit lang sa part mo bilang isang magulang pag hindi mo mabigay ung ibang pangangailangan ng anak mo dahil galing ako sa hirap ayoko ring maranasan ng anak ko mga pinagdaanan ko kaya kailangan ko talagang matutunan ang maayos na paghawak sa pera, para mabili din namin lahat ng pangangailangan namin sa pang araw araw lalo na mga needs ni baby sobrang mahal nadin kasi ng gastusin ngayon tapos mababa naman ang sahod. Gusto ko din po matutunan kung paano nga ba namin matutupad yung mga ibang pangarap namin para naman hindi lang siya hanggang pangarap lang, pati narin po yung dagdag kaalam sa difference ng gusto mo at kailangan mo talaga, mayroon naman akong knowledge dito kaya lang baka hindi pala sapat o hindi pala tama ung nalalaman ko. Importante talaga na alam ko ang mga bagay na to para narin tama ang maituro ko sa anak ko paglaki niya. Salamat po.

Magbasa pa

budget bilang nanay. gusto ko mapalaki Ang anak kona marunong ma kuntento kung Anong Meron,gusto ko maging wais Siya bilhin Ang mahalaga kisa luho ok lang na Luma Ang gamit Basta ok at Hindi nman sira, kaya nkakatuwa sa edad niyang dalawang taon . marunong na din mag ipon kaya Ang mga kita ko sa load hinuholog Niya agad sa alkansya Niya, pag alam Niya may barya ihuhulog agad niya Sabi ko ibibili ko ,no no, daw gusto ko paglaki niya marunong sya humawak Ng Pera, mag pundar Ng sariling kanya para kahit mawala kami Ng ama niya Hindi niya kami sisihin at Mali Ang pagpapalaki nmin sa kanya matoto syang makisama mayaman man oh mahirap. nasa magulang Ang kina bukasan Ng anak kung paano mo sya turuan sa LAHAT Ng bagay, 1.2months lang SI baby noon tinuruan Kona sya utay utay umihi sa cr may mga kaidaran Siya Dito akala nila apat na taon na anak ko, 1 year old And 5months sya Hindi na sya nag diaper npaka laking tipid nmin Ng Asawa ko, Ngayon 2taon na marunong na umihi nagsasabi na kahit pag poop, nkakatuwa lang kahit ano ibigay Kong food kinakain Niya npakabait Ng anak salamat Po ama 😇😇😇

Magbasa pa
Post reply image

Gusto 'ko matutunan ang lahat ng aspekto pag dating sa pinansyal, Dahil hindi naman ganoon kadali paano mag handle nito. Isa ito sa pinaka malaking tulong na matutunan mo sa buhay dahil magiging isa kang praktikal sa ano man pang bagay. Mas gusto 'ko palawakin ang kaisipan pag dating sa pinansyal dahil isa ito sa pinaka malaking reponsibilidad sa ating buhay, Kung noong mga bata tayo ay hindi na'tin naiisip kung gaano kadami na ang nailuluwal na salapi, Ngayong nasa tamang edad na ako/tayo ay isa itong malaking parte sa ating buhay. Kung may sapat tayo na kaalaman sa Usapang "Pinansyal" ay isa itong malaking tulong hindi lang sa ating pamumuhay kundi na rin sa ating mga gastusin. Bilang isang 1st time mom ay isa ito sa malaking tulong sa akin paano mag handle ng pinansyal, At kung saan ba dapat ang wastong pag gamit sa pera. Dahil mag kakaroon na ako ng sariling pamilya Gusto 'ko matutunan ito dahil isa ako sa taong hindi alam saan dapat ilagay ang mga pera na mayroon ako, Gusto 'ko mag karoon ng isang negosyo at makapag ipon para sa future ng aking pamilya at ng mga magiging anak 'ko.

Magbasa pa
TapFluencer

Yes gusto ko matutunan ng anak ko kung paano maghandle ng pera. Kasi ako gastusera talaga ako nong dalaga ako bili ako nang bili ng kahit ano and then panay pa libre sa mga barkada para sa inuman or etc.. Then after ng maliligayang araw ko nawalan ako ng work at nabuntis pa ako ni wala akong ipon para sa panganganak ko and sa mga needs ng baby ko. So now natutunan ko sa sarili ko na dapat maging wais ka sa paghahandle ng pera kaya gusto ko rin matutunan ng anak ko paano maghandle or mag ipon ng pera habang bata pa para kung ano gusto niya mabibili niya. Ngayon ung baby ko kada may piso siyang nakikita nilalagay niya sa alkansya niya. Then isang beses binigyan ko siya ng baon 100(grade 1 palang siya) and may baon po siyang biscuit and juice then kanin. Trinay ko kung gumagastos ba siya a mga laruan or kung ano ung mabibili niya. So nagulat na lang ako na nakatabi ung 100 sa bag niya sabi niya ilalagay niya sa alkansya niya. Thankful ako at nauunawan na ng baby ko 😅

Magbasa pa

Nais kong matutunan yung YOU MAKE YOUR MONEY WORK FOR YOU. Hindi yung you work hard for money. 🙏😇 Nais kong magpaikot ng pera,na habang ako ay may permanenteng trabaho, magkaroon pa kami ng ibang source of income ng aking asawa para hindi kami mamuhay na sapat lang sa pangaraw-araw kundi may for needs, wants,savings,at emergency fund pa kami for the future at ni baby. Sa panahon kasi ngayon, working hard as an employee is not enough. Waiting for an opportunity is not enough na rin, we have to make an opportunity for ourselves. And I hope to pass it down to my baby. Para kapag matanda na kami we won't be obligating him na buhayin o suportahan kami, Bagkus he can focus on himself kasi kaya na namin ng asawa ko na buhayin ang sarili namin when we grow old ☺️ came from poor family,kaya I know the feeling and I don't want to burden other people with my finances. Kaya I have to learn and apply everything I can to achieve financial success.

Magbasa pa