36 Replies

Hi Momsh, okay na yung 500 for the cable in a long run maienjoy nyo din pareho yannas libangan or bonding na din. I appreciate yung pagiginh advanced mo mag isip sa paglalaan ng pera kasi ganyan din ako. Very strict ako when it comes to budgeting hinahanap ko lahat kung san napupunta ang bawat centimos. (You can say na sadyang KURIPOT po talaga ako) 😅 Pero momsh please wag na wag nyo pag aawayan ang pera kasi jan magsisimula ang mga samaan nyo ng loob. Give and take lang po kayo dapat. Make sure na wala sainyong dalawa ang nakakaramdam na wala siyang SAY pagdating sa pera. Remember po companion niyo ang isa't isa pareho kayo may karapatan kung ano man ang meron kayo. Dapat lagi kayo may mutual agreement padating sa mga gastusin. Kung pumayag na siya na ipagpaliban ang bahay which is sabi mo 20k maybe di naman masyado malaki yung 500/mo po. That will make your husband feel na may halaga sayo yung mararamdaman nya. Unless otherwise gusto mo dumating yung time na magtatago na nag pera sayo asawa mo mas stressful yun. Isa pa po suggest ko lang po ha? Kung magpapagawa kayo ng bahay wag nyo po pagsabayin yung sa kanila at sainyo kasi malaking gastos po ang magpapaayos ng bahay yan 20k ninyo pwede yan kulangin at mas masyado kayo mahirapan. Pag usapan nyo po ng maayos kasi at the end of the day kayo ang mahihirapan kung ineffective ang budgeting ninyo. Remember, don't fight/argue about money yan ang makakasira sainyo. God bless Momsh! 😃

Please wag natin pagkaitan ang ating mga husband sa mga wants nila... provider din po sila sa family... kung hindi kayo magkasundo, ipakita mo sa kanya ang monthly budget nyo... list down all the fixed expenses, example: (15 day period na budget) Savings- 3000 Baby- 2000 Electricity- 2000 Water- 250 Grocery- 3000 etc etc etc -------- i-total nyo ang lahat na fixed expenses nyo... minus sa pinaka least na fixed income nyo para makita nyo pareho kung may extra money pa kayo on a monthly basis or 15 days... Pakita mo sa kanya... :) so kung may extra naman kayong 500, why not? kung kukulangin, at least alam nya ang status ng budgeting nyo para kunv gusto nya talaga ng cable or ano pa jan, maghanap sya dapat ng way para magka extra income para pang puno. Share ko nalang din yung sa'min ng husband ko, mula nung open ako sa kanya ano na status ng budget namin, kung may bibilhin sya, pinapa check nya na sa akin kung pasok ba sa budget o hindi.. kung hindi, naghahanap sya ng way maka save ng money nya or naghihintay ng mga bonus or incentive sa work... one time din, kakabukod lang kasi namin... wala pa kaming ref... gusto ko bumili kami... pero hindi pasok sa budget... kaya si husband nag give up sa allowance nya pang puno sa monthly namin sa ref and sinet na nya na ang 13month pay nya is pang fully pay na nang ref... :) Less arguments kung open kayo sa budgeting... and dapat alam nya why ayaw mo pumayag... you have to show them figures talaga...

Ganyan talaga mga lalaki. Yan din usually pinagtatalunan namin ni lip. Pero most of the time nadadaan naman namin sa usap. At kapag feeling ko naman pwede pagbigyan gusto nya hinahayaan ko na. Like yung pagpapagawa din ng bahay namin. Inuna namin kasi magtatag ulan na. Kawawa baby namin kapag di namin pinagawa dahil bahain ang bahay namin. Nasa 90k din naubos namin sa bahay. Pero atleast prepared na kami sa pagdating ni baby sure namin na safe sya. Kausapin mo lang ng maayos si hubby. Ganyan talaga mga lalaki medyo short sighted. Pero wag mo naman paramdam kay hubby na wala syang say sa pera nyo. Kasi di lang naman ikaw ang kumikita. Dalawa kayo. Dapat mutual ang understanding nyo kung san mapupunta ang pera nyo.

VIP Member

More patience and wisdom momshie... talk to your hubby how you can handle your finances. Ask him always tuwing my gusto siyang bilhin "is it a need or want"? Kailangan maintindihan nya ang "needs" at "wants" nyo. Needs ito ung mga pangunahing pangangailangan nyo, while yung Wants naman ito yung mga bagay na hindi nmn tlaga kailangan or pwd nmn kayong mabuhay kahit wala ito, in short ito ay "luho" lang. Pagdating talaga sa finances ito ay kailangan pinag uusapan ng seryoso. Wag nating hayaang mapunta lng sa wala ang mga pinagpaguran natin. Lalo na at my expecting baby pa kayo... Pray to God momshie and ask for wisdom how you can solve this problem. Cheer up, dont get stressed😉

Pwede sguro ipaayos ung bahay kung nasan kau nakatira now pra nga nman kung umulan d kau mahirapan pero dpat tipid tipid tama ka after na lang manganak dami pa nman gastos ngaun. Wag isipen ung may inaasahang parating para un sa baby nio di naten masabe diba kahit kmi kaya sa private pero pinili ko mag government hospital maayos nman government hospital dto smen kaya praktikal na lang kaya di mo masabi ung mga unexpected situations na kakailanganin ng pera kaya kailangan talaga mag tipid tipid. Go lang momsh paliwanag mo na lang ng maayos maintindihan dn nya nabobore lang sya kaya gusto nya magpakabit ng cable pero syang din ung 500 per month.

Pagbigyan mo nlng sa 500 ., Para di ma boring Ang Asawa mo ..Maya gumawa NG Kung ano ano Yan ..Kasi katwiran nya puro ka kontra ... Hayaan mo sya sa 500 malibang sya ..Kung Baga may mapuntahan Naman kahit papano Ang Pera nya .. di nman para sa kanya Yun .,para din sa inyo Yun .libangan nyo Lang pag pag nasa Bahay kayo ..tandaan Kaya po Tayo nag tatrabaho para mabili Ang gusto natin ... Hayaan po natin Ang Asawa natin sa mga simpleng bagay .,Kasi pag ganyan po Tayo sa susunod mag kapera Ang Asawa natin "pagtataguan na nila Tayo NG Pera "

Tingin ko po paminsan minsan di masama pagbigyan moms.... Yung papa din ng baby ko nagpaalam sakin bumili sya ng cap worth 1k+ pinayagan ko... Basta wala na munang hihigit pa dun.. 18weeks po ako ngayun at may mga ipon na po kami para kay baby... Sabi nya naman para fair bili daw nya ako gameboy na may 400games haha.. Pasaway. . pero pumayag ako kasi ipon naman po namin yun eh.. Walang masama mabawasan make sure lang po na mapapalitan at madadagdagan pa❤❤❤... Basta moms lahat ng sobra masama😉

VIP Member

For me mas mabuting unahin niyo muna yung panganganak kesa yung mga ibang bagay kasi hindi mo naman alam magkano magagamit mung pera sa panganganak at for future na gastusin kahit meron kang makukuhang benefits hindi naman agad agad darating yung pera. Talk to your husband, pasalamat siya kasi may advance na pera kayong magagamit. I know naman na give and take pero kailangan maintindihan niya din. Sorry not sorry pero more on material things siya kahit may purpose yung sinabi niya.

Hi, in my opinion mas okay siguro na payagan mo na lang asawa mo na magpakabit ng cable kasi siya rin naman magbabayad. Oo 500 is 500, pero yung 13th month niya nasa iyo naman diba. Kumbaga based sa pagkakaintindi ko wala napunta sa kanya. Parang yung 500 na yun, ireward mo na lang sa hubby mo lalo ngayong quarantine at baka naiinip siya kaya gusto nya magpakabit ng cable. Opinyon lang sis ha. :) Pero kung no work no pay kayo tapos no means siya to pay for that, ibang usapan na yun.

Ayun nga po eh hehehe. Gets ko naman point nya na need iprioritize yung needs over wants pero syempre diba pag nagwowork tayo, dapat kahit small portion may reward po sa sarili natin otherwise mabuburn out tayo. :)

just dad 😊: minsan dapat pinag bibigyan mo din po asawa mo. . kasi sa susunod na mag kapera yan dyan na nya maiisip na itago sayo.. ako lahat ng pera ko nasa wife ko pero sya yung nag iisip na ay bilhan kita ng ganto ganyan..nakakataba ng puso kahit papano naiisip nya ako.. kaya minsan kahit labag sayo gawin muna lng para matuwa asawa mo kahit minsan lng😊

Same thought with my hubby. Hahahahahah 5 star daw ang comment na to sabi ng asawa ko.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles