Maglalabas lang ng sama ng loob

Naiinis ako ngayon Valentine's na Valentine's. Inatake lang naman ako ng pagkamoody ko tapos etong partner ko bigla bigla nalang nagdabog. Nakakabadtrip lang eh ok sana kung kami lang ng asawa ko maguusap pero nakisawsaw pa biyenan kong hilaw. Kung ano ano pa pinagbibintangan paparinig na masyado akong selosa lagi na lang daw ako nagmumukmok. Eh hindi naman yon yung reason kung bakit kami nag-away. Kung ano ano pinagsasabi niya feeling ko na pabor sya na lagi kami nag-aaway pero napakagaling niya magtago eh concern lang daw sya pero ako lagi ang ipapamukhang may kasalanan kaya kami nagaaway ng partner ko. Everytime na mag-aaway kami number one sya agad sasawsaw. Yung mother ko never siya nagsabi ng masama sa partner ko. Nakakababa lang ng dignidad kasi wala ako magawa kasi nasa pader nila ako at hindi ako sumasagot. Iniisip ko na lang talaga hiwalayan siya pero hindi ko alam gagawin ko. Mahal namin yung baby sa sinapupunan ko pero hindi ko naman kaya papiliin partner ko kung sino samin ng nanay niya matimbang. Magisa nalang kasi sya kung iiwan pa namin ng partner ko yung nanay niya. Hindi ko lang talaga alam gagawin ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try nyo bumukod tapos dalaw dalawin nyo na lang si mil mo. Mahirap pag nakasulok d mo mailabas ang sama ng loob mo nakka stress yan.