37w5d soft cervix

NaIE ako kahapon at soft cervix na raw, ilang days po bago magdilate ang cervix kapag ganoon, based on your experience mga mommy? Na NST na rin ako kahapon at may contractions na rin daw. Humilab tyan ko kahapon, isang beses lang, utot ako nang utot at nadumi rin ako pagktapos nawala rin hilab.#pleasehelp #FTM

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

based sa experience ko 1st baby- closed cervix but malambot na then naglakad ako todo patagtag, after almost a week, nun 1cm lang nadagdag ending induced labor ako. 2nd baby- lagi akong tulog, higa at tamad na tamad. ayoko na maglakad sa sobrang bigat ngbtyan ko at masakit na yung pwet at singit, lahat. nung IE sakin 38w5d 2cm na pala ako nun, balik ako ng 39w4d 3cm. natulog lang ako at nagising ako kinabukasan na active labor na 6cm na agad dirediretso na yun nailabas si baby. kaya for me, naisip kong may gawin man o wala, talagang pag handa na si baby at sya na mismo ang gustong lumabas, lalabas at lalabas sya. hintay ka lang, relax, gawa ka lang ng normal gawain sa bahay, konting lakad at squat. wag mong pagurin at stressin sarili mo kapapatagtag kasi believe me, ang hirap maglabor ng pagod ka kakapatagtag kausapin mo lang din si baby mo at magdasal.

Magbasa pa
1y ago

thanks miih! 😊

37 weeks up to 40 weeks soft cervix lang ako . No sign of labor . Wala din cm . pero nung time na nagpacheck up ako nung pang 40 weeks and 2 days ko . medyo binuka ng midwife para magka cm kahit papano . 1cm nung 3pm kinagabihan nag 8cm na agad. 4.5kls normal delivery.

37 weeks & 5 days ako nung nanganak, dec. 29 nag start sumakit tyan ko pagdating lying in 4cm na ko agad at malambot na cervix ko pinasakan ako ng primrose isa tapos 2 intake 9:10am baby out na

Ilang cm na po ba yan? depende lng po KC yan sau kng Anong gagawin mo para mapabilis mag open.. nong ako pag 3cm open na xa tinotodo Kona mag squat at akyat baba sa hagdan..

1y ago

maglakadlakad kna po .. mag squat narin.. sinasabayan kopa yan nang pagkain Ng pinya ..