based sa experience ko
1st baby- closed cervix but malambot na then naglakad ako todo patagtag, after almost a week, nun 1cm lang nadagdag ending induced labor ako.
2nd baby- lagi akong tulog, higa at tamad na tamad. ayoko na maglakad sa sobrang bigat ngbtyan ko at masakit na yung pwet at singit, lahat. nung IE sakin 38w5d 2cm na pala ako nun, balik ako ng 39w4d 3cm. natulog lang ako at nagising ako kinabukasan na active labor na 6cm na agad dirediretso na yun nailabas si baby.
kaya for me, naisip kong may gawin man o wala, talagang pag handa na si baby at sya na mismo ang gustong lumabas, lalabas at lalabas sya.
hintay ka lang, relax, gawa ka lang ng normal gawain sa bahay, konting lakad at squat. wag mong pagurin at stressin sarili mo kapapatagtag kasi believe me, ang hirap maglabor ng pagod ka kakapatagtag
kausapin mo lang din si baby mo at magdasal.
Magbasa pa