Nangyari din sa akin yan nung 5 months naman akong buntis. Nahuli ko siya na may dummy account at dalawang babae pa ang pinopormahan niya tapos puro babae ang friend niya dun sa account niya. Nakpaghiwalay ako sa kanya pero ayaw naman niya. Nangako siya sa akin na hindi na niya uulitin pero hindi ako naniniwala sa kanya. Pinatawad ko siya oo. Kasi nanghingi ako ng payo sa iba. Sabi sa akin patawarin ko muna at hintayin ko muna lumabas ang baby namin at baka sakaling magbago paglabas ng baby namin. Sinabi ko na rin sa asawa ko na HULI NA ITO. Kapag nahuli ko siya ulit I SWEAR TO GOD KAHIT NA MAY ANAK NA KAMI AY IIWAN KO SIYA. Aaminin ko wala na akong tiwala sa kanya pero umaasa ako na sana balang araw ay hindi na niya ulitin. Pinagdadasal ko na lang siya sa Panginoon na sana maging tapat na siya sa akin.
Anonymous