20 Replies
nung time na pinagbubuntis ko si baby sobrang stress ako nun dahil sa specific na problema. umaabot sa point na nag wawala ako, kung ano makita ko hinahagis ko. naiintindihan kita mi. Pero never ko naisip na saktan si baby, kasi walang kasalanan yung bata eh, wala siyang kasalanan sa away niyo kahit away pamilya o away mag asawa pa yan. Kung nag aaway man kayo palagi ni mister mo mag isip ka ng ibang bagay na pwede mo ibuntong galit mo, wag na wag si baby. kung isang beses lang medyo okay pa kasi baka nadala ka lang talaga ng galit, pero "ilang beses" na eh, inulit ulit mo tas tatanungin mo pa kung ano mangyayari. better na mag pa check up ka, sabihin mo yung totoo sa OB mo para maiadvicean ka kung ano dapat gawin. pwede ka din lumapit sa mental health professionals para maiwasan mong saktan ulit baby mo lalo na kung lalabas na yan.
Hinampas mo ng ilang beses. Hindi ka man lang nagdalawang isip nung nahampas mo ng nauna, inulit mo pa? Kahit gaano kainit away nyo hindi mo dapat idamay baby mo. Pano pag lumabas na yan at kapag may mabigat kang problema hahampasin mo din ba ulit? Hindi namin alam sagot kasi hindi kame doctor. Kung mahal mo anak mo patingin ka sa OB mo magpaka honest ka sa nagawa mo. Nung ako nagpabunot lang ng ipin niresetahan ako duphaston, pampakapit. Mawalang galang na ho, pero ang sarap nyo po pektusin.
pacheck up ka nalang. Try mo kontrolin sarili mo sa susunod mi. Nasa tyan palang nasasaktan mo na pano pa pag nakalabas na. Di namin alam ano pinagdadaanan mo pero di hiniling ng baby sa tyan mo na ipagbuntis mo sya. kaw nagdala sa kanya sa mundo na to kaya ingatan mo sya. imbes na saktan mo isipin mo sya magiging kakampi mo sa lahat ng oras. Ingat ka mi. Sana wag mo na ulitin yan.
Not to hate pero sana di mo na dinamay yung baby. Kung out of impulse man or hindi. Walang kinalaman si baby sa away niyo and hindi siya kasama sa away niyo. Please consult your OB. 29 weeks na tiyan mo. Anything na gawin sa tiyan mo, maaapektuhan na ang baby dahil nakakaramdam na siya. God Bless sa inyo ng partner mo.
Na sstress na po si Baby sa loob pag stress ka mommy. Tapos sasaktan mo pa sya physically. Wag naman po sanang umabot na pag nakapanganak na kayo e masasaktan mo din sya. Wag po naten idamay ang bata. We should know better po, wala po silang kasalanan .
Baka pwede mukha mo at mukha ni mister mo nalang ang hampasin kaysa tyan mo kaloka ka.. Di naman ikaw ang higit na masasaktan kundi si baby mo jusme ngayon nag aalala ka. Paconsult ka na sa Ob sana ok si baby
nagawa ko din yan nung first trimester ko grabe away namen ni mister non at iyak pero nung nagpacheckup naman kame okay naman si baby healthy and kicking always and lagi ako nagsosorry sakanya.
Next time kung may away kau ni mister, wag idamay ang baby, ayan nag woworry ka tuloy now. Kung malakas at may pain ka until now na nararamdaman better visit your OB na.
Parang tanga lang bat idadamay pa yung baby sa away 🙄 de pano pag labas nyan at mag away kayo sa kanya mo ibubunton? Abugbug berna ganon? 🚩🚩🚩
hala mommy. wag nyo na po uulitin. 😭. maaapektuhan po si baby sa stress nyo. pacheck po kayo kay ob kung may mapansin po kayong kakaiba sa galaw ni baby o anuman sa katawan nyo.
Anonymous