50 Replies
Padede ka lang po ng padede para masanay. Usually po kase every 1 to 3hrs nagdedede dapat ang baby. Kung di nya naman po madede agad try to ise pump mommy kase if tumigas yan at di madede agad lalagnatin ka po talaga. Kung wala ka po pang pump try hand massage or hand express. Normal magkasugat ang nipple tiis lang after a month masasanay ka den ganyan po talaga pag ftm hehe been there. 2mos palang lo ko pero dami ko na natututunan. Maigi talaga pag pala tanong ka. So if may concern ka lagi ka lang magtatanong dito madaming mababait dito pwera sa mga papansing anon hahahahaha wag mo nalang sila pansinin.
Hi mamsh! Yes po masakit po ang breast feeding Masakit sa simula. Magsusugat pa po yan. At tanging laway lang din ni baby ang gagamot nan. Nilalagnat ka po ba? Matigas ba ang dede mo? May lumalabas bang gatas? May nararamdaman ka bang bukol sa dede mo? Proper latching din po ni baby. Wag hayaan sa nipple lang dede nya. Pisilin ng konti ang dede mo, tsaka ipasok sa loob ng mouth ni baby. Or adjust mo ung pagkapasok ng breast mo sa mouth nya. Dapat full mouth si baby ng breast mo para maganda ang latching and maiwasan ng sugatt. Mas better watch or research po for proper latching na baby.
Ganyan tlga Yan sa umpisa . Lahat ng nagpa breastfeed masakit tlga mamamagA, mamalat, lalabasan ng dugo, at lalagnatin ka tlga , masakit na dapat tiisin dahil pag dimo pinasusu sa baby mo maninigas at mas lalong masakit. , Saumpisa lng pagtagal na hnd na Yan masasanay kana.. Another masakit ulit pag nagkaroon na ng ngipin kakagatin nanamn at mamamaga at magdurogo ikalalagnat mopa sa sobrang kagat nya ..hhuhuh..
sobrang painful talaga lalo na pah inverted nipple ka. ganyan din nangyari sakin dumugo pa nga nipple ko non. sobrang namimilipit ako magpadede pero tinitiis ko almost 3weeks ata ako nagtiis nun hahahahaha wala kasing mabilihan ng nipple cream kaya nagtiis talaga ako ngayon okay naman na mag 4months na baby ko and sakin lagi nadede.😊
oo, sa kabila mo muna ipadede 24 hours wag mo ipadede muna yan. tiisin mo lang mawawala din yan 😊
Sa panganay ko momsh, hapdi lang naramdaman ko nun pero nawala din agad. Pero ngayon sa pangalawa ko, naranasan ko ang dumugo ang dede ko. 2 days pa lang sya nagdedede sakin ramdam ko na yung sakit hanggang sa pagkalipas ng ilang araw, dumugo naman na. Pero ngayon, medyo umo ok na. Tiis tiis lang momsh para kay baby. 🥰
Ganyan po talaga mamsh ☺ ako nga napapaiyak pa nun dahil sa sakit ng dede ko eh na halos ayaw ko na magpa breastfeed 😁 kaya ginawa ko nun, kapag mahapdi na dede ko pinupump ko nalang tapos nilalagay ko sa bote, ayun pinapadede ko then pag di na masakit sakin na ulit, ganun ginagawa ko to lessen the pain 😊
Kung may sugat yung isa dun muna mamsh sa kabilang dede mo padedein si baby. Or ipump mo. Tiis tiis lng mawawala din yung sakit niyan basta laging nadedean
mali yung pag suck ni baby kaya masakit.. dapat malaki ang bukas ngg bibig ni baby sakop pati aerola, pag nipple part lang ang masisipsip nya onte ang lalabas na gatas mas mang gigil sya kaya nasusugat.. pag idededatch c baby wash your hands muna use ur pinky finger para idetatch bunganga nya..
Sbi ng nurse kaya daq sumasakit at nagsusukat ang nipple kase mali daw po yung paglatch ng baby. Ako simula nanganak ngayon ngayon di pa nagsusukat nipple ko sayang mga cream na binili ko sabi kase nila magsusukat daw nipple pero diko naman na experience
Mommy baka po yung nasususu lang ni baby is yung nipple mo lang. Masakit po talaga yan and pwede yan magkasugat later on pag di tama yung pag latch niya. Dapat po kasama yung arreola. Yung itim or pink na circle na nakapalibot sa nipple mo po.
Masakit po talaga yan lalo na during sa first week ng baby. Kailangan mo lg talaga tiisin. Mawawala dn ang sakit. Ganun dn ako dati ung tipong nilagnat na din ako pero dahil naman yun sa gatas ko sobrang dami kasi. Hot compress lg ginawa ko.
Anonymous