Mali ba na ganito maramdaman ko?

Nagpapagawa po kasi ng bahay yung parents ni hubby. Ang usapan po dati sa taas yung pwesto namin. May sarili kaming kusina at banyo sa taas, sa baba naman sina FIL, MIL at dalawa kong SIL na wala pang asawa. Ganun po yung set up since wala na pong natira na lupa sa hubby ko 10 kasi silang magkakapatid at pang pito sya. Nagbakasyon kami muna dito sa bahay ng parents ko since wala pa kaming matutulugan doon kasi nga ginagawa palang (may isang anak kami ni hubby) Nung isang araw sinabi sakin ni hubby na sa taas daw yung kwarto ng 2 girl nyang kapatid so bali mahahati po yung space namin. Same lang size ng baba at taas. Ok lang naman po sakin yun. Ang akala ko po sa labas ng bahay yung hagdan papunta sa taas para hindi na kami dadaan mismo sa loob ng bahay nila FIL, pero sa loob nila nilagay nagawa na. Tumawag si hubby sakin, may plano daw si FIL na magdagdag pa ng isa pang kwarto sa taas. Bale 4 na kwarto na kasama yung sa amin. Pero iniisip ko masikip na since papalagyan sana namin ng sariling cr yung kwarto namin para hindi na taas baba. Sa baba ng bahay kwarto lang nila FIL yung ilalagay dun at kusina, so maluwang pa. Tapos sabi na naman ni hubby hindi na daw papalagyan ng cr sa taas, dun na ako nainis. Ang ganda ganda ng usapan nung una tapos ang dami na namang nabago. Ok lang naman kung may kasama kami sa taas mga mi basta may sarili din sana kaming kusina at cr sa taas. Ang dating po is hindi kami nakabukod. Parang makikipisan pa rin po kami sa parents ni hubby. Kami po ni hubby ang gagasto sa titirhan namin sa taas. Nakapagshare na din si hubby sa pagpapagawa ng bahay. At nakautang pa po si FIL kay hubby kasi kinulang na sa bakal yung sa baba. Feeling ko po ang unfair. Sabi ko kay hubby sana kami nalang din sa baba kung hahatiin lang rin naman nila sa taas at dun sila lahat magkwakwarto. Pero ang masakit po mga mi wala akong karapatang magreklamo kasi makikitira lang naman po kami dun. Lupa pa rin yun ni FIL kaya wala akong magagawa. Alam nyo naman po kung gaano kahirap ng nakikipisan. Kaya ang gusto ko po sana yung may sarili kami. Nagloan na din po si hubby sa Pag-ibig para mapadali lang pagpapagawa sa titirhan namin na mag ina nya. At gusto pa ni hubby na iwithdraw ko muna yung ipon ko sa bangko para pandagdag. Parang nawalan ako ng gana kasi gagasto nalang din ako, sana sa sariling bahay ko na. Hindi ko nalang sure kung may privacy pa kami after matapos ang bahay, lalo na introvert po talaga ako. Nakikibonding ako sa mga in-laws ko pero may limit po yung pagka-extrovert ko. Valid po ba nararamdaman ko mga mi?

3 Replies

VIP Member

Hello. Mawawalan or wala ka talagang say dyan, kasi 1. Lupa ni FIL. 2. Si FIL ang nagaasikaso or tumitingin sa pagpapagawa. 3. Mas malala, ina-accept lang ni husband mo lahat ng pagbabago, at ikaw ang pinaga-adjust niya. The smart thing to do is wag ka mag labas ng personal na pera mo, dahil hindi ka agree sa lahat ng nangyayari. Hindi yan ang dream house mo. At dahil agree si husband mo sa lahat ng gusto ng parents niya hayaan mo na lang siya sa pera, nang hindi nako-compromise yung budget na para sainyo mag-ina. Mahirap mag aksaya ng energy mainis at mastress since wala ka na magagawa, nagstart na magawa ang dream house nila. Tsaka ending niyo talaga dyan is magsasama-sama kayo sa iisang bahay. Ang tanging paguusapan dyan is paano kayo titira ng maayos ng magkakasama. Boundaries, rules, expenses, privacy etc. If you really can't see yourself living with your in-laws, ngayon pa lang sabihin mo na sa husband mo.

dapat kayo na ang priority niya. Sana na make sure ng asawa mo na nasunod yung napag usapan since kayo na gumastos para sa 2nd floor. Pero dahil andyan na yan, kausapin mo asawa mo about your concerns. If kaya nyong bumukod, then do it. For your peace of mind na din.

kinausap ko sya mi talagang sinabi ko yung concern ko pero hindi nya naiintindihan yung point ko. hintayin mo nalang na matapos sabi nya sakin. sabi ko naman, hindi pa natatapos pero alam ko na kakalabasan, ang gulo nyo kausap sabi ko pa. gusto ko talaga ng peace of mind mi kasi lately sobrang stress na ako. samin talaga sana sa 2nd floor solo namin para kahit papano makabukod kami konti, pero ang kakalabasan magiging kwarto nalang lahat sa taas wala ng silbi yung nasa 1st floor.

kung ako sa inyo, gumawa nlng kayo ng sarili nyong bahay. same pa rin nman yung magagastos, nakabukod pa kayo.

yun nga po. samin po sana yung taas ng bahay pero naiba na naman plano, don na daw sa taas yung kwarto ng dalawang SIL ko tig isa sila.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles