MOTHER IN LAW

Mga mii, palabas naman ng sama ng loob. Nakabukod kami ng bahay ni hubby pero malapit lang din sa bahay ng parents niya paglabas ng pinto namin is pinto din nila. So ito na nga mga mi.. May naishare akong post about sa baby na nagkakasakit at yung iba ay napupunta sa heaven kasi dahil sa sakit na nakukuha sa labas lalo sa usok ng sigarilyo. Yung anak ko ayaw na ayaw ko inilalabas dahil pag bukas pa lang ng pinto bubungad sayo pinto ng kamag anak ni hubby na dun pa mismo naninigarilyo, yung buga nung usok papunta sa loob ng bahay namin (take note dalawa yung naninigarilyo dun minsan sabay pa manigarilyo). So ako to prevent na makapasok yung usok always kami nagcclose ng door. Ayoko din hinahawakan yung anak ko ng iba like sa side ni hubby kasi nga yung dalawang kapatid niya naninigarilyo sa loob ng banyi so kulob and kapit na kapit sa katawan nila hindi nag hugas hindi nagtoothbrush hindi nagalcohol nakadamit pa, yung isa namang kapatid na bunso laro ng laro sa labas sa mga nagyoyosi tapos puro pawis walang alcohol di naligo hahalik sa anak ko. Yung isang kapatid naman may history ng tb. Ngayon ako iniiwas ko yung anak ko dahil simula nasa tiyan at pinanganak ko anak ko ako at di kami dito nakatira eh, ako lang ang nag alaga dahil yung hubby ko nagwwork. Walang kahit anong support system sa parents ko or parents ni hubby. Lahat ng gawain, laba, luto, linis, alaga kay baby, puyat ako lahat hanggang mag 9months anak ko bago pa kami lumipat banda dito sa kanila. Ngayon lumipat kami kasi nabili ni hubby yung space ng pinsan niya na up and down at lumipat kami dito, wala pa kaming 1month ayoko na ipahawak at ilabas labas yung bata dahil nga sa nakaindicate jan na sinabi ko sa taas nitong confession. Ngayon nagchat yung papa ni hubby na ano daw yung pinost ko hindi naman daw pag iingat ginagawa ko inilalayo ko daw yung loob ng bata etc. Lalaki daw yung bata na makasarili. Like wtf, wala pa kaming months dito sa bagong nilapitan at yung anak ko mag 10months pa lang sa 27 aug. How come na pati bata dinamay nila sa ganon? Grabe mali ko ba na iiwas yung anak ko sa usok ng sugarilyo? Mali ko ba na yung anak ko inaalagaan at pinapahalagahan ko? Bat parang kasalanan ko pa at bat pati anak ko nadadamay? Sobrang sama ng loob ko mga mi sa totoo lang, nagsisi ako na lumipat pa kami malapit dito sa kanila.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same Scenario Mii .. Ang ginawa namin ni Hubby is kinausap namin Family niya mismo Especially those who are in Smoking .. Halos lahat kase sa Family ni Hubby naninigarilyo except sa Mom niya .. Since naninigarilyo din si Hubby nagstart ako sa kanya mag open na kung maari stop niya na smoking and so nagstop man din siya tapos Kinausap namin Family niya about that matter .. And at First medyo hirap sila iadapt hindi maiwaSan kaya bantay sarado ko si Baby paghahawakan nila pinag aalcohol ko muna and okay naman na din hanggang ngayon nasanay na sila sakin tapos sila nadin mismo nag iiwas kay Baby pag nagsmoke sila 🙏

Magbasa pa
1y ago

Sila masama parin loob nila sakin ang iniisip lang nila nilalayo ang loob ng bata at ipinahdadamot. Kahit sakin ang sama ng tingin nung papa ni hubby kaya di ko nlng inintindi as long as yung anak ko nasa tabi ko. Okay nako sa kung anong sabihin nila.

mga close minded yan mi. kwento mo yan sa asawa mo. let see ano gagawin ng asawa mo.. dpat priority kayo ng asawa mo. nvm them ..mahirap kausap mga closeminded person

1y ago

Yes mi, ako naman sinusunod ni hubby. Masama lang loob ko sa parents ni hubby lalo don sa fil ko dahil nagbitaw ny salita na di naman daw pag iingay ginagawa ko nilalayo ko lang daw loob ng bata at yung anak ko lalaki daw na makasarili. Nainis at sumama tlaga loob ko kasi sino sila para makapag salita ng ganon at pangunahan yung future ng anak ko porket nag iingat lang ako.