Pampakapit?

Nagpacheck up ako, 7weeks pregnant na pala ako. Ask ko lang, lahat po ba nireresetahan ng doctor ng pampakapit or ung mga sensitive pregnancy lang?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

niresetahan ako but standby lang sya, meaning hindi nirequire na itake ko agad unless may slightest bleeding/spotting akong makita. then need ireport agad kay ob if may spot or bleed. 1st trimester ko, no spot/bleed naman hindi ko na nabili/tinake yun nireseta ni doc.

Not all nireresetahan po.. ako high risk pregnancy (kasi stillbirth sa 1st baby ko) pero ngayong 2nd pregnancy ko di ako binigyan dahil no bleeding ako at no cramps. unlike sa 1st pregnancy ko.

thats for the support s baby po low risk pregnancy ako pero niresetahan p dn ako,pero ung pgtake po ng pampakapit dipende po s pangangailangan ng buntis

Hindi naman ung maseselan lang ako nga niresetahan ako DUPHASTON kht wala pong prob kaht okay na okay si baby at di ako dinugo pa

Mga sensitive pregnancy. Basta lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa OB mo, lalo if may bleeding, kailangan yan.

Ako po hindi naman high risk pero almost 4months pinagtake ni ob ng duphaston

Usually pag may history ng miscarriage or high risk ang nireresetahn neto. 1

VIP Member

Di naman, kasi ako niresetahan din nyan eh di naman ako high risk.

di naman ako sensitive pero niresetahan din ako good for 2weeks

high risk pregnancy only at yung may mga history na ng nakunan.