Nabuntis ng Sundalo

Nagkaroon po akong nang boyfriend na sundalo at nabuntis niya ko. Nung buntis na ko late ko na nalaman na may asawa na pala siya at isang anak dahil may isang concern na kasamahan niya ang nagsabi pero too late na dahil buntis na nga ako. Hindi ko talaga akalain na may asawa na pala siya kasi sinearch ko pa fb niya at wala man lang bahid na may asawa na, wala rin siyang wedding ring and yung nakakasama rin naming isa niyang kasamahan eh wala ring sinabi. So, nung nalaman namin ng parents ko na buntis ako at kinausap na siya, tsaka palang din siya umamin na may pamilya na nga siya kaya wala na magagawa kundi sustentuhan nalang ang baby. 1-2 months pregnant palang ako nakakapagbigay pa siya ng pampacheckup pero nung nalaman na ng asawa niya na may nabuntis siya di na siya pinapadalhan (nasa asawa niya atm niya) kaya di na siya nakakapagbigay. Sobrang considerate ko sa lalaki na di siya nakakapagbigay at sa asawa niya kasi sobrang sakit nga naman malaman na makabuntis asawa mo. Pero paano naman po yung anak ko kung di man lang niya masusustentuhan sa pagdadamot na rin po ng asawa niya? Ano po dapat kong gawin para sa sustento ng anak ko? ps. Captain po ang ranggo ng nakabuntis sakin Pps. Wala n po kaming relasyon nung lalaki

99 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo xa sis na mg sustento sya pra sa anak nu.. in fact pwde mo sya ipatanggal sa service kung gugustuhin mo, pero pra sa baby wag na pra my isustento pa xa sa baby nu, Karapatan ng baby mo un.. instead pwde ka mg file ng settlement sa Provost marshall nla den mg demand ka lng ng class E Allotment, un lng hingin mo..mas piliin nia un kysa e discharge xa, officer pman dn... bbgyan ka ng Atm dun na dederetso allotment ni baby monthly.. -military momshie here

Magbasa pa
6y ago

I think 6K per bata. Pero dpende cguro sa rank