99 Replies
Punta ka sa fort Bonifacio Phil army taguig city MANILA PAGPASOK MO NG military camp.. Diretso ka sa army provost marshal.. Sila humahawak NG case NG ganyan at OESPa A.. Dala ka din NG evidence including picture and birth certificate na sia ang ama.. At may family.. Better if may gawin Kang statement or affidavit kahit tagalog.. Bibigyan NG Class E Allotment Yan baby MO Para di ka mag worry sa panggastos o sustento.. Pero it takes a long process pero di naman ganon katagal.. Kahit anak sa di legal wife meron PA rin sustento..
sis wg sa tulfo kc baka magka problema sa service nya grabe pinagdaanan nila bago marating yang posisyon nya ngayon,punta ka sa jago dun ka magreklamo para magka allotment ka dapat alam mo serial number, unit, rank and full name nya...pero dapat my evidence ka man lang atleast kahit picture nyo na magksama something like that any proof sis...kasunduan un sis pipirma sya at pipirma ka din wala magagawa asawa nya kc karapatan mo un para sa anak mo magkakaroon ka ng sariling atm...gudluck sis god bless
First, kahit illegitimate ang anak mo eh entitled pa rin siya sa child support. Pwede mong idemand yan sa unit nya kung san siya belong. Mejo mapapasama siya sa tingin ng tao pero lalo na kapag di nasuportahan anak mo (di ka pero entitled for support kasi di ka legal wife) 2nd, this should serve as lesson sa lahat ng babae na nilalapitan ng sundalo. May pagkabolero sila at minsan withholding ng information pero sana naman wag makipagtalik bago mapakasalan o maging legal. Kawawa din kayo nyan.
Kausapin mo xa sis na mg sustento sya pra sa anak nu.. in fact pwde mo sya ipatanggal sa service kung gugustuhin mo, pero pra sa baby wag na pra my isustento pa xa sa baby nu, Karapatan ng baby mo un.. instead pwde ka mg file ng settlement sa Provost marshall nla den mg demand ka lng ng class E Allotment, un lng hingin mo..mas piliin nia un kysa e discharge xa, officer pman dn... bbgyan ka ng Atm dun na dederetso allotment ni baby monthly.. -military momshie here
I think 6K per bata. Pero dpende cguro sa rank
Sundalo din yung asawa ko and siguro kung sakin nangyari yan, hindi ko talaga bibigyan pang gastos yung lalaki para lang ibigay sa kabit niya. Sorry sa term, pero masakit sa part ng asawang babae yan and sa anak niya. Dapat kasi kinikilala muna ng mabuti kung talaga nga bang walang sabit yun. Mostly sa ibang sundalo taken na po yan. Ang daming pamilyang nasisira ng dahil sa ganyan eh. Babae ka and may choice ka. Kung may work ka naman better na wag kana umasa dun.
Asawa din ako pero mas gusto ko na sustentuhan nya ang anak nya sa labas para maging aral din yan sa lalaki at saka pag kinakapos na kayo sa pamilya medyo pwede mo iparamdam sa kanya na dahil yun sa katarantaduhan nya. Kasi pag hinayaan mo na lang na di siya magsustento sa bata, may tendency na ulitin nya yan tutal hindi naman siya nagbayad ng katarantaduhan nya. Nagpasarap lang siya. Ikaw mismo na asawa ang maghulog sa atm pero hindi ikakaltas sa sahod nya na para sa pamilya nya kundi sa mga incentives na tinatanggap nya. Dami nta kasing pera kaya nakapagluko. Me fault ang babae pero mas kasalanan ng lalaki dahil nanloko siya ng dalawang babae pati na din ang mga anak nya. At siya ang may resonsibilidad na tiyaking nasa ayos lahat ang mga ginagawa nya dahil pamilyado siyang tao.
Nakakalungkot mang isipin. Ganyan din nangyari sakin. May asawa na pala yung matagal ko nang kasintahan. Nabuntis ako tapos biglang nagkagulo dahil nalaman din nubg asawa. Syempre alam kong nasa mali ako pero pinaglaban ko yung karapatan ng baby ko. Hindi ako papayag na maargabyado kaming mag ina dahil lang sa pagkakamali nung lalake. Siya ang sumira sa relasyon nilang dalawa. Hindi mo kasalanan na nagmahal ka sa taong akal mo totoo sayo.
For me, kung may trabaho ka better na wag na ma involve yung sundalo sayo or kahit sa anak mo dahil pag nagkataon magkita kayo baka masundan yung anak mo. Kung kaya mo naman at ng family mo suportahan si baby better na ikaw nalang without him helping. Try to understand yung side ng wife nya, yes both kayong nasaktan pero para sa ikapapayapa mo at ng magiging baby mo at ng mga anak nung sundalo sa una, better to distance yourself. Opinion ko lang.
ganitong pananaw sis ang tama
Sa palagay ko momsh. Palakihin mo nalang mag isa yung baby mo. Kasi pwedeng pwede kayong kasuhan ng legal na asawa. Isipin mo kpag nagkataon sa loob ng kulungan mo isisilang anak mo. Gusto mo ba yun? Syempre hindi. Kaya kong ako sayo mamsh palakihin mo nalang mag isa baby mo. Pwede mo namang kasuhan yung lalaki about sa sustento. Pero mas malakas padin laban nung legal na asawa lalo't nabuntis ka. Kaya mo yan. Tiwala lang. Pray ka po palagi.
Pwede ka humingi ng tulong sa commanding chief nya about sa situation nyo. Di naman kayo makukulong kasi di kayo nagsasama and wala na kayo relasyon. Magdemand ka lang ng sustento kasi may process sila gagawin para di na i-hold ng misis nya pera nya. Kasi based sa na-experience ko nun sa kadete ng lolo ko na same sayo may agreement gagawin dyan. Or discharge from service yung nakabuntis sayo. Which is maapektuhan nung legal na asawa.
correct! agreement na lang. kse mostly comments eh ipatanggal.paano naman ung pamilya na wala dn nmng malay. tas putulan ng ano! jusko. hahaha
masakit tlga yun para sa legal wife at may right sya by any means ksi sya ang niloko ng asawa nya..kung ako po sa sitwasyon mo, accept ko nlang, panindigan ko mag-isa yung anak ko kesa mamalimos ng barya sa nakabuntis sakin. It is still a blessing after all to have a child, mas magiging proud yung anak mo kung kakayanin mo mag-isa, may pamilya kpa nman, sa knila k nlang humingi ng tulong, kalimutan mo na po yung sundalo..
Mommy Joanna