MIL
Nagkandaiyak na ko kagabi kasi kakapanganak ko lang, 4 days ago. Natatakot ako kilikin/kalungin si baby kasi first time mom ako. Di ako marunong maghawak ng sanggol. Sinasamantala naman ng mil ko yun. Laging nasa kanya anak ko. Akala mo siya nanay. Thankful naman ako sa tulong. Kaso mo, parang di ko anak yung anak ko. Ayaw an lang ipahiram sakin. Binababa niya lang pag tulog na, syempre hindi ko na pwede kalungin kasi magigising. Tapos pag umiyak kasi gutom o napoopoo, kukunin na naman. Itatago sa kwarto niya. Hindi ko man lang mahawakan anak ko. Kahit gabi pag matutulog. Sa halip na ako ang katabi matulog, kukunin niya at itatago sa kwarto niya. Hindi ko man lang mayakap.