Pregnancy Journey

Nagka pimples din ba kayo during pregnancy niyo? Kasi grabe pimples ko ngayon. 4mos na akong preggy and hindi naman ako tigyawatin pero ngayon kahit sinasabon ko face ko parang hindi sila nawawala. Normal kaya ito?

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

15weeks here going 4months na din wala naman nagbago sa face ko huhu sana wag na magkapimps 😩🤞🏻 siguro kili-kili ko lang medyo nag-dadark na sya pero medyo lang . Gumagamit ako ng glass skin na gel sa mukha anti pimps , nagsearch ako kung ano bawal na ingredients para sa buntis sa skin care , sabi naman pwedi naman gumamit ng skin care bsta ipakita muna sa OB kung approved sayo 😊

Magbasa pa

iba iba cguro momsh, ako kasi nong dalaga ako lagi akong may pimples, pakonti konti, pero ngayong nabuntis ako d nako tinubuan ng pimples kahit wla akong ginagamit sa mukha dahil bawal ang mga whitening products, kuminis ang mukha ko, im 36 weeks and 4days na po.

Normal lang po dahil sa hormones. Ako din nagkapimples. 3 mos preggy pa lang ako. Nag start ako magkapimples nung 9 weeks ako, sa chin and neck area. Mild facial wash and moisturizer lang gamit ko. Cerave. Sabi naman ng derma ko okay lang gumamit ng azelaic acid.

TapFluencer

may hormonal changes po kasi ang nangyayari sa tin mommy. ganyan din po ako lalo na during 1st trimester. pero ngayon 2nd trimester nabawasan na. buti na lang nakafacemask pag lalabas kahit papano di ako nabbother hehe.

Yes po, 15 weeks and 2 days nako ngayon. Nagstart po pimples ko around 8weeks until now andami sa mukha ko. Hindi naman din ako dating ganito. Pero sa hormones daw po kasi iyon. Pagkapanganak daw po mawawala rin.

Normal lang na magkapimples. Nagkatigyawat din ako pero sa likod lumabas grabe ang dami at ang kati. Mawawala din yan. Tiis muna tayo malaking sakripisyo talaga ang magbuntis. Hindi biro maging isang Nanay.

normal naman sya sabi ng iba. Pero in my case, hindi po ako nag breakouts. Instead nag glow pa ang mukha ko. Akala tuloy ng iba, girl ang baby ko. turns out, it's a healthy baby boy. I'm 30wks napo

normal po mommy ganyan din ako. sobrang daming pimples pero nung nag 7 months na akong preggy unti unti ng nawala ang mga pimples ko hanggang sa bumalik na ulit sa dati na wala ng pimples

same here! ang dami kong pimples sa left side ng mukha ko tapos ang lalaki pa kahit ano gamitin ko sabon ayaw maalis di nga nangitim mga singit ko pimples naman kalaban

Depende po siguro sa hormones natin, ako naman po hindi nahalatang buntis dahil kuminis at blooming, noong 7 months lang din po umitim ang aking kilikili and leeg.