17weeks ftm and stress af.

Nagiging emotional ako lately. Konting kibot, naiiyak ako agad. Iniiwasan ko lang makita ng partner ko kasi hindi ko din naman maeexpress ng buo sa kanya yung nararamdaman ko. Nawalan ako ng trabaho nung May dahil maselan ako magbuntis, tapos lahat ng personal bills ko si partner ang nagbabayad ngayon, hirap din ako uminom ng vitamins kasi nagsusuka ako or sasama ang pakiramdam, naospital ako nung 15weeks ko dahil sa constipated ako ng sobra. Yung ipon namin naubos sa ospital. Sumabay pa tong pag aasikaso ko ng SSS Maternity ko na sobrang nagpapahirap sa amin. Feeling ko wala na akong ginagawang tama simula nung nabuntis ako. Feeling ko ang laki kong pabigat. Ang lungkot ko. Tuwing kausap ko si baby, lagi nalang ako iiyak sa kanya. πŸ’”πŸ˜­

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Mommy huuuuuug.. normal lang po na maging emotional ka during pregnancy..nagsususuka din po ako nung pregnant po ako.. Sobrang hirap po pero kakayanin para kay baby.. Pero tingin ko po mas better if you talk with your partner.. Atleast makapagvent out ka ng di ka niya jinajudge. And regarding naman po sa SSS wag kayo mag alala mommy.. Inform niyo lang po na buntis kayo and mapraprioritize po kayo😊

Magbasa pa

Same tayo nagresign din ako on my 1st trimester to be sure na safe ung baby kasi I had miscarriage last year dahil toxic sa work. Ngayon, since unemployed ako di ko pa nakukuha yung sss mat ben ko at I have to change the status to self employed. Makukuha lang ung mat ben pag nakapagpasa na ko ng mat2 requirements ung may birth cert na ni baby.

Magbasa pa