Postpartum

Mga mi sino dito yung after manganak parang naging cold ang samahan with partner? Yung feeling na parang wala na keying gana sa isat isa. Feeling ko kase ina na lang ng anak namin ang tingin sa akin ng partner ko tapos ako naman parang nawalan ako ng pake sa kanya. Ewan nakakalungkot akala ko mas magiging solid kami nung dumating si baby.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang tanong Momsh, sino po ba nawalan ng gana? Pag kapapanganak lang natin, normal na makakaramdam tayo ng unwanted or feeling emotional dahil sa pregnancy journey natin. Ako honestly, nawalan ako ng gana sa Mister ko, lagi ko syang inaaway non and narealized ko na ako pala may problema. Hinihintay ko kasi siya na magkaroon ng kusa pero pwede namang humingi ng tulong sakanya, mga ganong bagay pinapalaki ko non. Tsaka as Nanay, more sacrifices po tayo, at tanggapin na natin na di natin maasahan yung iba even our hubbies sa mga pag aalaga. Normal lang yang nararamdaman mo Momsh. Usap lang din kayo, para malaman nyo kung bakit cold samahan nyo? Baka kasi mas focus na kayo kay baby. Nag aadjust pa po kayo at mahabang oras para matanggap nyo yung bagong buhay nyo ngayon.

Magbasa pa
2y ago

You're welcome po ☺️ Glad to help! Tsaka di talaga biro mahing Nanay lalo nankung FTM ka. Nakaka drain! 😂

Hala same tayo momsh, dati wala pa si baby sobrang clingy namin sa isa't isa ngayon na may baby na ni kiss pagka dating nya sa bahay hindi na namin ginagawa, 4 na araw lang kami magkasama every month kasi trabaho sya malayo and ako din nawalan narin ng pake kasi mas inuuna ko pa si baby and ganun din sya pagka uwi niya kay baby agad ang attention nya which is na appreciate ko naman at wala akong complain about dun, ang ginawa namin nag usap kami dahil nga nakakalimutan na namin ang isa't isa kasi busy sa pag aalaga kay baby..nadadaan naman lahat sa usapan

Magbasa pa