worry

Nag wo worry aq? dpa KC Alam Ng family ko na pregnant na aq 2 months na tyan ko,but still dpa Rin nila Alam, what should I do? First time mom and 25 years old,, plz give me some advice mommies there

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same po tayo..I'm 25 and 9 weeks pregnant..first time mom din po..nung una ko pong nalaman na buntis ako prang hindi ko din alam kung papaano ako mag re.react..daming pumasok sa isip ko..panganay po ako..una ko siyang sinabi sa sister ko..then sa brother ko..nung una po pinagalitan ako ng brother ko..😅..kasi kaka.resign ko lang sa work..then maliit pa yung sahod ko sa new work ko..naintndihan ko naman na worried lang siya kasi financially medyo shaken ako..at nghahanap plang din ng bagong work yung partner ko..naiyak po ako kasi overwhelmed talaga ako nun..taz pinakalma naman po ako ng brother ko..nag set po agad ako ng sched sa OB..guinawa ko yung mga lab request and yung ultrasound..dun ko na laman na 7 weeks and 4 days na si baby...after ko po ma sure na ok ako at si baby..nag plan po ako na sabihin sa parents ko..subrang fear yung naramdaman ko..kasi di ko alam anu magiging reaction nila..umuwi po ako sa amin kasama mga kapatid ko..taz buong pamilya kaming nag usap kasama yung partner ko..I admit kabado po talaga ako..but thankfully po yung unang tanong ng mama ko is if naka pag pa check-up na dw ba ako..ok naman po yung naging usapan..hindi naman ako pinagalitan..sabi lang nila na alagaan ko sarili ko kasi lahat ng gagawin ko makakaapekto kai baby...para po sakin the earlier po na sabihin niyo sa kanila the better...kasi mas mapapanatag po kayo if napa alam mo na sa kanila...mababawasan po yung worries nyo..regardless po ng reaction nila..starting point po yun para mas makapag focus ka sa inyo ni baby..magalit man po sila..eventually lilipas din po yun..i think mas importante po sa kanila na ipina.alam nyo ng mas maaga..i think po kasi sa case ko kung nag hintay ako ng matagal bago ko sabihin magagalit din sila sa akin..and big help po siguro yung formal kaming dalawa ng partner ko na humarap sa kanila....taska..mahigpit na prayers din po..makakatulong..God bless po.

Magbasa pa
5y ago

Hindi naman po pangit na sabay kayo nag buntis..on the brighter side may ka share ka sa experiences and journey niyo po..then imagine po na sabay lalaki yung mga anak niyo...mas mataas yung chances na lalaki silang malapit sa isa't isa...big relief po pag nasabi niyo na sa family niyo na preggy kayo..kasi the more po na pinapatagal niyo..the more po kayong ma.istress..makakasma po yun sa inyo ni baby...have faith po..pray po kayo for guidance and courage..things will get better..

you're in the right age mommy! Be brave. Wag ka magworry ang magandang gawin mo, kausapin mo yung family ng boyfriend mo ipaalam mo sakanila yung sitwasyon mo ngayon para aware din sila bago mo sabihin sa family mo syempre pag sasabihin mona sa family mo na pregnant ka, isama mo si boyfriend at yung plans nyo together para sa parating na baby nyo. :) Kaya mo yan mommy, siguro magagalit sila but matatanggap din nila yan. Goodluck! 💙

Magbasa pa

Kakagraduate ko lang from college, naghahanap ako ng work nung nalaman ko na buntis ako 20yrs old lang ako nun natakot ako sabihin sa parents ko baka magalit sila, kaya tinulungan ako ng auntie ko magsabi. Ayun di naman nila pinakita na galit sila pero grabe ang iyak ng parents ko nun. Tas di naman nila ako pinabayaan hanggang ngayon. Mas magandang malaman pa din nila. :)

Magbasa pa
VIP Member

Sabi mo kay partner mo na harapin nyo pareho ung parents mo to let them know about your pregnancy. That's the least respect that you can give to them. Right age ka narin naman po. Hindi mo kasi ma itatago ng matagal yan. Tska mas kailangan mo ng stress free na pregnancy since 1st time mom ka. Dont worry everything will be OK 👌

Magbasa pa
VIP Member

Hi momsh, you are at the right age naman na to get pregnant. Pray and ask for divine enlightenment para masabi mo ng maayos sakanila. I was your age when I got pregnant with my eldest. Excited sila lahat when I told them about it. I am sure, they will be too. 😍

Bawal sa iyo ang maistress o mg isip ng mga negative na bagay, sabihin mo na ng mas maaga,para maluwag sa pakiramdam,nasa edad kana,wag kang mg alaala matatanggap ka ng pamilya mo,mgtiwala ka,god bless you, good luck sa journey mo, ingat kau ng baby mo

Same sakin dti.. una rin nd ko alam ggwin ki ,then cnbi ko sa kuya ko,at sa mama ko,una nglit pero mttanggap dn nila, lalo now nkita nilavc baby, pg nsbi mo , accept mo lng lht ng ssbhn nila,kc nsaktan cla,and pray to God n mging ok lht

Ganyan din ako noon, sa mom ko walang problema pero sa papa ko nahirapan ako magsabi. Hehe. Pero syempre, blessing yan. 24 yrs. old ako nabuntis. Sabihin mo na sis. Sarap sa pakiramdam pag okay na. :)

Same age ako nabuntis and also ftm, ganyan din ako noong nalaman kong buntis ako Maniwala ka, kahit magalit sila kapag nakita na nila apo nila parang magic, mawawala galit nila.

VIP Member

Sabihin mo mamsh kung magagalit man sila sa umpisa lang yun like sa akin before. Mas maganda kasi na aware sila para na rin sa safety nyo ni baby.