Positive PT

Nag PT ako kahapon twice and positive sya. Buntis na po kaya ako talaga? Nagpacheck up po kase ako ngayon hindi nirecommend ng doctor na magpa trans V ultrasound na ko dahil 4 weeks palang daw at baka wala pa daw heartbeat si baby. Pero binigyan na nya ako ng pampakapit at folic acid. Excited na po kase ako magkwento sa mga friends and family ko. Kaso nagwoworry po ako kung totoo na po bang buntis ako or may possibility na false positive lang? Sumasakit po kase ang aking tagiliran at balakang, sabi naman po ng ob ko okay lang as long as di nagbebleeding Maraming Salamat po sa mga sumasagot at nagbibigay ng advice! God bless us all Mommies! ❀️

Positive PT
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tama po si ob nyu, masyado pa po maaga ang 4 weeks para makita sa transv c baby. kadalasan po nakikita si baby at may heartbeat na sa 6 weeks onwards. alam ko po super excited kayo na ibalita na buntis po kayo pero siguro po sabihin nyu nalang po sa kanila kapag ok na po si baby sa transv nyu 😊. habang naghihintay po kayo sa transv nyu, inumin nyu po muna yung mga nireseta sa inyo, then pahinga, iwas stress, kain ng healthy foods, pray din po na ok si baby at kung kaya po muna pigilan na wag muna makipag contact kay hubby nyu kasi nasa early weeks of pregnancy pa po kayo, medyo maselan pa po. congrats po ulit.

Magbasa pa